RK 6

31 1 0
                                    

Nakabili na sya ng kailangan nyang bilhin.
Pabalik na sana sya nang condo unit nya nang mabangga sya.

"Ano ba yan? Hindi kasi tumitingin eh."

Kahit nakaheadset sya ay dinig na dinig nya ang babaeng nakabangga kung paano ito magtaray.

Tinanggal nya ang headset at sinabit sa leeg.
"Ikaw pala yun nakatingin sana ikaw yun umiwas?" Mataray nyang balik sa babae na natameme.

Kumulo agad ang dugo nya.

Nakipagtitigan sya sa babaeng ito.

Akala ba nito ay magpapatalo sya rito?

Nang may gwapong lalaki na  pumagitan sa kanila ng babaeng mukhang unggoy.

At napansin nya talaga na gwapo.

Ganun dapat ang goal sabi ng mga kaibigan pero mas gwapo ito tignan kung tatakpan sana yun mukha nung babaeng kasama nito na mukhang centipede.

Gigil sya.

"Miss.. pasensya na."

Ang ganda ng boses nya.
Ang cold..
Pero natigil ang pantasya nya nang magsalita ang babaeng mangkukulam.

"Bakit humihingi ka ng pasensya sa kanya, Yael?"

Really?
Si Yael Tuazon ito?
Yun sikat sa Inter-Science na rock star?

Sobrang crush nilang tatlo nila Maggie at Krizzie ito noon.
Graduate na kasi kaya di nya nakilala agad.

Kasi naman itong babaeng mukhang lamok na ito ang una nyang napansin.

"Sasha.. stop!" Awat ni Yael.

Napangisi sya nang may naisip syang kalokohan.

"Sit! Bark Sasha.. get the bone!"
Utos nya sa babaeng kaharap kaya natawa si Yael kasi ginawa nya itong aso.

Naiinis na tinalikuran sila nito.

"Well.. that's a tough one. Nice to meet you Miss?"

Lahad nito sa kamay nito.
Hindi na sya nag alangan pa.
Minsan lang sya makakahawak sa kamay ng isang crush na unang nakipagkilala.

Talo pa ba sya?

"Regina." Abot nya sa palad.

Ang lambot ng kamay nya.

"See you around Regina." Paalam nito.

Pigil kilig.. die later!

Sigaw ng isip nya.
Sinundan nya ito ng tingin palayo.
Pero nang makita nyang nakatingin sa kanya ng masama ang babaeng mukhang alimango ay umismid sya at dumiretso sa unit nya.

Kausap nya si Jessica nung gabi bago sya matulog.

"Famous nga sya sa Inter-Science.. remember last time pinakanta pa ako ni Precious sa school as her para mapansin sya ni Yael?"

Naalala nya yun kaya nga feeling accomplished yun isang yon nung pinansin ito ni Yael.

Grabe naman kasi sa pagka-hot ang lalaking yon.

"Matulog ka na Bessy." Sabi ni Jessica na tumatawa. "Marami ka pa ipapaliwanag sa dalawa bukas."

Oo nga pala.
Naiimagine nyang ang dami na naman nyang maririnig mula sa mga ito dahil sa rule nila na walang lamangan!

The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon