RK 37

15 1 0
                                    

Natuwa sya nang ibalita nila Jim at Jessica na babalik na ang mga ito sa Aristocrats para doon magtapos ng pag aaral.

Ibig sabihin magkakasabay na silang gagraduate?

Sobrang saya nya.

At habang nasa byahe sila ay binabalikan nila yun mga old pictures nila sa page.

Tawa sila ng tawa kasi iba pa yun mga itsura nila noon.
Ngayon kasi talagang ika nga katulad ng halaman?
Talagang nag bloom sila.

"Sige lang tawanan nyo pa ko." Maktol nya sa mga kaibigan nang mahinto sila sa picture nya nung highschool sila.

Kasi noon nakasalamin pa sya at mahaba ang buhok.

Nakasimangot sya sa mga ito pero nang huminto sa picture nila ni Alvarez ay natahimik ang mga kaibigan habang napasipol naman si Jim.

Napalunok sya na napatingin sa mga ito.
Hindi rin kumikibo si Maggie at Krizzie na nakasama na si Alvarez.

Alam nyang bet na bet ng mga ito si Alvarez para sa kanya pero kung si Yael ang mahalin nya ay hindi naman mangingialam ang mga ito.

Hinawakan sya ni Jessica sa kamay.
"May picture ka ni Alvarez pero wala kang picture nung ultimate crush mo.. just so you know.. there's a difference between love and crush."

Hindi sya nakakibo kasi alam nyang may kahulugan ang sinabi ng kaibigan.

May picture naman sila ni Yael.
Hindi nga lang nya maintindihan kung bakit hindi sya nagpost.

Ang inisip nya kasi nung nakaraan ay baka makita ito ni Alvarez.
Kahit alam naman nyang wala itong social account.

"Oo naman.. spelling palang." Tawa ni Krizzie.

Lumabi ang nagdadrive na si Jim sa katabing dalaga. "Yabang nito oh! Sige nga.. spell without talking?"

"Shut up!" Asik nito kay Jim na sinubuan nito ng malaking tinapay.

Natatawa nalang siya sa mga kaibigan pero bigla syang napaisip sa sinabi ni Jessica sa kanya na nakatingin na ang mga mata nito sa pictures nila sa page.

Naguguluhan sya sa nararamdaman nya. Ayaw nga ba nya kay Alvarez?
Kung sakaling ayaw nya sa binata.. ano naman ang dahilan kung bakit ayaw nya rito?



The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon