Nakasimangot sya habang nakatingin sa mga kaibigan na masayang kabonding ang papa nya.
Natuwa sya dahil naririto ang dalawa ngayon para magbakasyon kasama nya.
Naisip nya na may makakatulong na sya alamin kung ano ang lihim ng papa nya tapos ganito?
Kung hindi pa sumama ang pakiramdam ng papa nya at nagpaalam upang pumasok sa kwarto nito dahil sa sobrang tuwa nito na kalaro ang dalawa ay hindi pa titigil ang dalawang ito.
"Sabi ko tulungan nyo ko alamin yun problema ko tapos kayo naman nag eenjoy lang."
Maktol nya sa dalawa.
Napatirik ang mga mata ni Maggie."Wag ka ngang praning Regina!" Ismid nito. "Baka mamaya naghahallucinate ka nalang.. and one thing, may atraso ka pa samin ah! Sinamantala mo si Yael nung nameet mo."
Napalabi sya rito.
Hindi makamove on ang mga babaeng ito.
Natatawa nyang iling."Totoo yun sinasabi ko na may picture doon sa office ni Papa si Jessie." Giit nya sa mga ito. "Alam ko na sya lang naman ang taga Spain."
"So kapatid mo yun kambal ganun? Mukha bang papatulan ng Papa mo si Miss Mhiavee??" Nakangising tanong sa kanya ni Krizzie.
May punto si Krizzie.
Hindi ang tipo ni Miss Mhiavee ang papatulan ng papa nya.
No offense kay Jessica pero ang mommy nito parang kontrabida on or off cam.
Yun lang yun word na pwede nyang idescribe rito.Kontrabida!
Saka hindi sya papayag na maiinlove ang papa nya rito.
Baka magsabong sila lagi."Hi Señorita!"
Si Alvarez.
Nakangiti ito na binati rin ang dalawa na akala mo namatanda sa binata.Si Krizzie ang unang nagreact.
"Sya ba yun Regina?" Kinikilig na sabi nito kaya pinandilatan nya ito ng mata at binulungan.
"Umayos ka nga."
Umarte naman si Maggie na parang nahihilo at dumikit kay Alvarez.
"Parang.. ang sakit ng ulo ko?"Agad naman na nag alala ang binata.
"Okay lang po kayo?" Alalay ni Alvarez rito.
Gumaya naman itong si Krizzie kaya dalawa na itong inaalalayan ni Alvarez.Napapailing nalang sya.
Baliw talaga itong dalawa na ito.
Alam nyang mamaya sasabihin na naman ng mga ito na.Ang tigas ng katawan ni Alvarez.
Ang laki ng muscles.
Ang bango
Parang hindi magsasaka.Kabisado na nya yun kibot ng mga bibig nito kaya hindi na sya magtataka kung yun ang sabihin ng mga ito.
BINABASA MO ANG
The Heir
RandomBessy Marias Oath.. I am the only heirs of Hacienda! And I hate it. I love to Travel. I love Food I love to Swim. I love my Friends because they are my Family. I don't have siblings I love sports but sometimes I'm not sporty. I love to fix things to...