RK 13

25 1 0
                                    

Hapon na ng makabalik sila ng hacienda.

Nawili kasi sila sa pamamasyal at pangangabayo.

Wala ang papa nya.
Umalis daw sabi ng maids papuntang bayan.

Hindi na sya nagtanong.

Nakiusap si Alvarez na ibigay nalang nya yun mga folder sa papa nya.

Gusto sana nya tumanggi pero ayaw naman nya ng mahabang usapan.
Ilalagay nalang nya sa office nito ang mga folder.

Pag akyat nya sa second floor nakita nya ang office ng ama na hanggang kisame ang mga libro.
Ganun sya katindi.
Magyabang.

Inis na nilapag nya ang mga folder sa table nito.
Paalis na sana sya nang may mapansin syang picture sa table nito.

Napakunot ang noo nya nang makita kung sino.

Ang kaibigan nyang si Jessica at ang papa nya kasama sila Tita Eliza at Don Martin na daddy ni Maggie.

May isang Frame pa dun na picture nya kadikit ng picture ni Jessica at ng ama.

Anong meron?
Hindi nya maintindihan.

Lumabas sya sa office ng papa nya na napapaisip.
Hanggang sa gumabi na ay iniisip nya parin yon.

Habang sabay sila kumakain ng dinner. Nakatingin sya sa papa nya na tahimik na kumakain.

Maya maya'y hindi sya nakatiis.

"Pa, may balak ka pa bang mag asawa?"

Tila nasamid ang papa nya dahil sa sinabi nya.
Agad itong uminom ng tubig.
"Hija, sa tanda kong ito? Naiisip mo pa ba yun tinatanong mo?"

Napatango sya.

Buti naman..

dahil hindi nya pinangarap maging step mother si Jessica.

Kung ganun..

Bakit may picture ang kaibigan at ang ama na nakadisplay sa office nito?

At katabi pa ng picture nya..

Don't tell me kapatid nya ang kambal na Precious at Jessica?

Kung si Jessica ay sobrang tanggap nya.
Pero kung si Precious?
Never.

Napang asawa lang ito ni Jim kaya sila nanahimik pero kung hindi?

Mabait naman ito kaya lang ilang beses din sya pinagtrippan kaya sya nanggigigil.

"You know what hija. Magpahinga ka na. Baka napagod ka maghapon... don't over think about something na impossible na mangyari because I really love your momma.. still."

Wala naman syang katanungan tungkol doon.
Kaya nga Hacienda Lorena ang pangalan ng hacienda nila at hanggang ngayon hindi pa ito nag aasawa.

Sinunod nya ito at pumasok sa kwarto.

The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon