RK 22

19 1 0
                                    

Habang kumakain ng dinner.
Tahimik ang tatlo na pinapakiramdaman ang kumakain na Don.

Naroon din si Alvarez na kasalo nila kumain matapos ito imbitahan ng ama.

Ito kasi ang kasama lumuwas at hapon na sila nakauwi.

Hindi alam ni Regina kung paano magsisimula.
May mga kasama kasi sila kaya hindi sya makapag direkta ng ugali.

Isa pa papagalitan sya ng mga kaibigan kapag nagwalang hiya sya kaya ilang araw na syang santa.

Napalingon sya sa dalawa.

Umiwas ng tingin si Krizzie bilang pagtanggi na magsalita samantalang pinandilatan sya ng mata ni Maggie na sinasabi nitong sya na magtanong.

Nakatingin sa kanila si Alvarez.

"Is there any problem?" Tanong ng papa nya.
Kanina pa siguro sila napapansin.

Napalunok sya.
"May tatanong si.."
Itinuro nya si Maggie samantalang itinuro sya ng dalawa sabay banggit ng pangalan nya.

Natawa ang Don sa kanilang tatlo pati na si Alvarez.

Sinamaan nya ng tingin ang dalawa at humarap sa ama.
"Tungkol kay Jessica.."

Sumabat si Krizzie. "Iniisip po kasi nya na anak nyo si Jessica!"

Napatingin sila ni Maggie rito.
Kung wala lang sila sa hapag ay baka nabato nila ito ng pillow.

Hindi nila alam kung anong magiging reaksyon ng ama sa tanong na yon pero sa bandang huli ay tumawa ito.

Ano bang nakakatawa sa tanong?
Sigaw ng isip nya.
Nairita sya bigla.
Ipinakita nya ang mga picture sa ama.

Kinuha nito ang mga iyon na kahit nagulat..
nakangiti itong nagkwento.

Childhood friends ng papa nya si Don Martin, Miss Eliza, Miss Mhiakha at yun lalaking gwapo na si Professor Julian.
Sobrang close nila sa isa't isa hanggang sa magkolehiyo, kahit pa sa Aristocrats nag aral sila Prof. Julian at Miss Mhiakha.

Ayon pa sa papa nya si Miss Mhiakha talaga ang girlfriend ni Senator Leonardo.
Pero nung maghiwalay sila ay buntis na ito.
Kaya nung ipinanganak si Jessica sa Spain.
Ang ama ang nasa tabi ni Miss Mhiakha dahil sa mga out of town business nito.

"So ibig sabihin si Miss Mhiakha ang parents nung kambal?" Pagtatama ni Krizzie sa papa nya na napakunot ng noo sa kanila.

"Who said they are twin?" Tanong nito na nagpalipat lipat ng tingin sa kanila.

Nagkatinginan silang magkakaibigan na hindi malaman kung paano magrereact sa ibinulgar ng ama.

Hindi twin sila Precious at Jessica?

Paano mangyayari yun kung may pagkakahawig naman sila?

Si Precious ay anak ni Miss Mhiavee at si Princess ay anak ni Miss Mhiakha pero iisa sila ng ama?

Hindi na sila nakapagsalita pa sobrang dami na nilang natuklasan ng gabing yon.

The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon