Nakangiti ang ama nang makita sya.
"Kamusta ang byahe mo?"Masaya nitong tanong sa kanya.
Palagi naman ganun at paulit ulit lang din ang sagot nya.Dapat nga nirerecord nalang nya yun isasagot nya para play nalang sya ng play sa tape recorder.
"Fine." Sabi nya habang nagscroll ng phone.
"Sitdown first.. nagpahanda ako ng meryenda.."
Sabi ng daddy nya na tumayo hawak ang tungkod.Napatingin sya rito.
Kailan pa ito gumagamit ng pangsuporta sa paglalakad?
May sakit ba ito?
Naaksidente?Hindi na sya nagtanong.
Kahit gusto nya."Magpapahinga muna ko. Napagod ako sa byahe. Hindi ako nakatulog ng maayos.."
Malamig nyang sabi rito.Napatingin sa kanya ang ama.
Naramdaman nya na nalungkot ito.
At kung kasama nya ang mga kaibigan ng sandaling yon sigurado syang patay sya.Pinilit ng ama na ngumiti. "Sige.. magpahinga ka na. Pinalinis ko na yun kwarto mo.."
Hindi pa tapos magsalita ang ama pero tumalikod na sya.
Ganun sya katigas sa ama.
But she considered herself lucky kasi hindi pa sya nakakatikim ng sampal sa ama.
Pagpasok nya sa kwarto agad syang nahiga sa malambot na kama.
Wala naman nagbago.
Maliban nalang sa malinis ito ngayon dahil bagyo ito nung iwan nya few months ago.Biglang tumunog ang phone nya.
Nagtext ang mga kaibigan kung nakauwi na sya.
Niloko nya ang mga ito.
Sinabi nyang pabalik na sya kasi ang lakas ng ulan.
From : Margarita
Ulan mo mukha mo! Summer ngayon no?Tawa sya ng tawa pagkabasa ng message nito.
Buti nalang at mahal na mahal ito ng pinsan nya.
Sabagay mabait naman si Maggie.
Sobra lang talaga kung mambara pero sobrang mahal sila nito as ate ng grupo.Nagtext pa nga sa kanya para lang malaman kung nakauwi na sya.
From : Krizelda
Magbonding kayo ng Papa mo tapos uwian mo ko unicorn. Hahahaha..Sabi naman ni Krizzie kaya para na naman syang baliw na tawa ng tawa sa loob ng kwarto.
Hindi nya namalayan na nakatulog pala sya.
Gabi na sya nagising hindi na nya nakasabay sa hapunan ang ama.
Kaya mag isa syang kumain sa mahabang komedor.Namiss nya ang mga luto rito.
Sa condo kasi palaging order ang nakakain nya.
Dito fresh lahat galing sa lupain nila.
Gosh! Ito lang ata ang best rito.
Weakness nya.Pagkatapos nun ay dumiretso sya ng kwarto para mag-internet.
Nagdownload sya ng mga new songs and apps para sa phone nya.
Inayos na rin nya yun page nila.
Gaya ng dapat asahan.
Madaling araw na sya nakatulog.
BINABASA MO ANG
The Heir
RandomBessy Marias Oath.. I am the only heirs of Hacienda! And I hate it. I love to Travel. I love Food I love to Swim. I love my Friends because they are my Family. I don't have siblings I love sports but sometimes I'm not sporty. I love to fix things to...