RK 19

17 1 0
                                    

Ipinasyal ng papa nya ang mga kaibigan sa buong hacienda.

Tuwang tuwa ang mga ito nang makita ang mga kabayo nila.

Nakalimutan na ata ng mga ito yun sinabi nya na tulungan sya sa natuklasan.

Eksaktong umani ang mga trabahador nila ng mga pananim.
Naiinis pa nga sya kung bakit binibigyan pa ng ani ang papa nya.

Sana itinabi nalang nila para may pagkain sila.

"Nakakatuwa naman sila." Sabi ni Alvarez sa tabi nya. "Siguradong mag eenjoy sila sa pag stay nila rito."

Nakangisi syang lumingon kay Alvarez.

Ano bang gusto nitong palabasin?
Na maganda sa hacienda?
Okay given na maganda.
Pero ayaw nya magmana nito.
Never!

"Try mo tumira sa city ng matagal at mas mamahalin mo." Sabi nya at inalok ito ng mas maganda. "Gusto mo magbakasyon sa condo ko?"

Pero hindi sya nito nilingon at nakangiti itong nakatingin sa hacienda.

"I lived in a city for less than ten years and I don't feel any enthusiasm kapag bumabalik ako dun. Hinahanap ko yun amoy ng mga damo, ingay ng mga hayop sa farm, yun bonding moments namin ng mga tauhan dito.. sobrang saya talaga."

Napatingin sya sa binata na hindi kumukurap.
Nakangiti pa ito habang nakatingin sa papa nya.

Ang swerte siguro ng papa nya kung ito ang naging anak at hindi sya.

Masunurin ito sa papa nya at kung ano ang ugali ng papa nya ay ugali rin nito.

Hindi kaya ito talaga ang anak at hindi sya?

Nung nagkaisip sya ay doon na nakatira si Alvarez.
Possible rin.

Hay. Ang dami naman possibleng anak ni papa!
Hari ba ito na kailangan maraming tagapagmana ng trono!

"Regina!!"

Narinig nyang may sumigaw sa pangalan nya at may humablot sa kanya palayo sa bumagsak na magkakapatong na kahon.

Natumba sila sa damuhan.

Tumama kay Alvarez ang mga ito.

Nagtama din ang mga paningin nila.

Maganda pala ang mga mata nito. Napakaamo.
Napansin nya lang.

"Are you alright?" Tanong ni Alvarez.

Napatango sya rito pero hindi pa sila kumikilos patayo.

Natauhan lang sila nang tumikhim ng malakas ang mga kaibigan na akala mo may matatanggal lalamunan ng mga ito.

Nakatingin lang ang papa nya.

Napatayo silang dalawa.

"Parang masarap magmeryenda ngayon tito." Sabi ni Krizzie.

"Oo nga po. Ipagluluto po kayo ni Krizzie." Sabi naman ni Maggie na pinandilatan ng mata ng huli na parang sinasabi nito na bakit sya?

Nagpagpag sya ng damit pag alis ng tatlo.

"Mag iingat ka ah." Paalala nito

Hindi sya nakakibo.
Ang lakas ng pintig ng puso nya.

The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon