RK 15

22 1 0
                                    

Umalis ang ama kaya sa sala nanood ng t.v si Regina.

Pangalawang araw palang sa hacienda pero pakiramdam nya bored na sya.

Sobrang bored.

Nakapagdownload na sya ng new apps, videos and music.

Lahat ng movies na try na niya.
Sumasakit na nga yun mata nya.
Kaya para maiba naman sa sala sya nagstay habang gumagamit ng phone.
Nang ibalita sa t.v ang tungkol sa eleksyon napahinto sya sa ginagawa.

Napaawang ang labi nya nang mapanuod na bumaba ang rating ng daddy ni Jessica na dati ay pasok sa 12.

May pakiramdam sya na baka hindi na manalo si Senator Leonardo.

Sa opinyon nya ang nakapagpababa sa rating nito ay ang iskandalong nagawa ni Precious.

Maraming nagmamahal sa mga Domingo kaya nakisimpatya rito ang mga tao kahit pa hindi nagsalita ang pamilya.

Isa pa, si senator kasi yun tipo ng politiko na yun mga nagawa nya ay hindi pansin kahit marami.
Kasi hindi nito pinagyayabang.
Nakilala lang ito dahil kay Miss Mhiavee at Precious.

Anyway, political analysis lang naman nya yun mga naiisip.
Hindi naman sya sure doon kumbaga. Pananaw nya.

Pero sa tingin nya kung papayag ang pamilya na si Jessica ang mangampanya para sa ama ay mananalo ito.
Sikat kasi ang kaibigan.

Hay. Nangialam na naman sya sa pamilya ng iba.
Yun pamilya nga nya hindi okay.
Napatingin sya sa second floor.
Naalala nya yun mga pictures.

Yun mga ngiti ng ama nung katabi ang kaibigan nya parang proud father.

Ano nga kayang meron?

Hindi nya namalayan na umaakyat sya sa second floor papasok sa office ng ama.
Baka may kailangan syang malaman?

Kung may kapatid sana syang iba magiging okay sana para may magmamana ng hacienda.
Pero kung niloko ng papa nya ang mama nya.
Hindi nya ito mapapatawad.
Pati na ang kapatid nya sa labas.

Para syang detective na naghahanap sa bawat sulok ng office pero wala syang makita.

Binuksan nya ang bawat cabinet sa table ng ama.

Humantong ang mga mata nya sa mga photo albums na andun.

Inisa isa ang bawat pahina hanggang sa may makita syang picture ng ama hawak ang isang baby.

That picture was taken year 1998.
Canary, Spain
Year kung kailan ikinasal ang mga magulang nya.

Wala pa sya sa mundong yon.
Kung ganun.. sino ang batang ito?

Natigil sya sa pag iisip nang marinig na may kotseng dumating.

Kotse ng papa nya.

Agad nyang itinabi ang mga photo albums at nagmamadaling tumakbo palabas.

The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon