RK 3

40 1 0
                                    

Connected na sila on video call kay Jim.
Si Jessica nalang ang hinihintay nila.

"Problema mo?"
Bungad ng kaibigan kay Regina nang makita sya nitong nakasimangot.

Namiss nya yon.

Yun mga tanong nila sa isa't isa kapag nakakaramdam na may problema o malungkot ang mukha nila.

Problema mo?

Kilalang kilala nila ang bawat isa.

Napangiti sya.
"Wala naman.. naalala ko lang kayo ni Jessie. miss ko lang kayo." Kindat nya rito.

Nameywang ang kaibigan at napatirik ng mata.

Hindi nya alam kung alam nito na cute sya kapag ginagawa nya yun or sinasadya nalang nito dahil alam nitong cute sya.

Pero masaya sya kahit maaga ito nag asawa.

Alam naman nyang masaya na rin ito.

"Wag ako.. miss mo ba talaga kami dahil naaalala mo kami or miss mo lang kami dahil wala kang manliligaw?"

"Uy! Grabe ka naman.." napalakas ata ang boses nya dahil nagtinginan sa kanya ang mga tao sa coffee shop. "May secret admirer naman ako. Hindi lang nagpaparamdam ngayon kasi end of semester na. Pero meron naman."

Dipensa nya sa sarili. Napatingin sya kay Maggie na nakangisi sa kanya.
"Secret nga lang." Sabi nito.

Sinamaan nya ito ng tingin.
Nang asar na naman sya.

Maya maya'y dumating na ang makulit na si Krizzie na nakashades na akala mo nagmomodel habang palapit sa kanila.

"Hi mga marias! The long wait is over." Sabi nito na pagod na pagod sabay upo sa tabi ni Maggie at kinuha ang phone nito saka nagselfie.
"Hashtag haggard."

Napanganga silang dalawa rito at nang ipopost na nito sa social media accounts ni Maggie ay nataranta ang huli.

"Wait! Sayo to? Sayo?.." agaw nito sa phone nya sa natatawang si Krizzie.

"Sorry na beb.. nakalimot ako." Tawa nito at nag apir silang dalawa kaya nakairap sa kanila si Maggie.
binalingan nito si Jim sa screen ng laptop. "Hi cute kong bessy!"

"Hello dyosa kong bessy." Ganting bati naman ni Jim.

"Common courtesy." Asar nya sa dalawa.

Tawanan sila ng malakas
Para silang mga sira kapag magkakasama sila.

Tatlo nalang kasi sila at wala na silang personal car na tambayan kaya talagang napapatingin ang mga tao sa kanila kapag ang ingay na nila.

Napaayos sya ng upo nang maging available na si Jessica at nagvideo call na sila.

"Bonjour! tu me manques marias." Masaya nitong bati sa kanila.

Masaya silang nag agawan sa pagbati maliban kay Maggie na alam nyang nagtatampo rito.

Kilala nya ito kapag ayaw ilabas ang emosyon.

Nagtataray ito lalo.

"Bonjour mo mukha mo kanina pa kami dito no?" Ismid nito kay Jessica na napakunot ng noo.

"Ay! Ang harsh bessy. I kennaat."

Nauwi na naman sila sa tawanan at makulit na pag uusap.

Palaging ganun.

Feeling nga nya mas tumitibay ang samahan nila habang tumatagal.

The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon