RK 44

16 1 0
                                    

Nakataas ang mga kilay ng kaibigan nang makabalik sya sa mansyon at nanonood parin ng t.v ang mga ito.

Nakangiti kasi sya at parang ang saya saya nya kaya agad syang siniko ni Krizzie sabay sabing..

problema mo?

Natatawang sinabi nya rito na wala syang problema.

At kung meron man?

Yun ay kung paano nya sasabihin sa mga kaibigan na sila na ni Alvarez.

Sa sobrang tagal na itinanggi ng isip nya na magkaibigan lang sila.
Hindi matatakasan ng puso nya kung ano talaga ang totoo nyang nararamdaman.

Mahal nya si Alvarez.
Noon pa!
Kaya hindi nya ito nagawang kalimutan na akala nya dahil lang sa pagkakaibigan nila.

At kaya naguluhan sya nang malaman nya na ito ang secret admirer nya.
Kasi hindi nya pa alam na mahal nya ito.

Wala pa sila napag usapan tungkol sa hacienda pero sinabi nya sa binata na kumbinsihin ang papa nya na wag na muna ibenta dahil gusto nya muna pag aralan at mag explore dito.

Hindi rin masasabi na baka mahalin nya rin ang hacienda gaya ng ginawa ng ama.

At sinabi nito sa kanya na hindi sya nito pipilitin na patakbuhin ang hacienda.
Itry muna nya hanggang sa maramdaman nya na gusto pala nya.

Isa pa napag isip isip nya rin na oras na para ang papa naman nya ang bigyan nya ng pabor sa lahat ng ginawa nito para sa kanya.

Hindi nya hahayaang mawala ang masasayang alaala sa hacienda gaya ng memories ng momma nya.

Naramdaman na naman nya ang pillow sa mukha nya na binato ni Maggie.
"Problema mo?"

Natawa sya.

At ang memories naman nya kasama ang Bessy Marias.

Hay.

Talagang may dahilan sya para hindi ibenta ang hacienda.

Siniko sya ni Jessica sabay kindat na nakangiti.
"Alam ko na kung bakit ka masaya pero hahayaan na kita na ikaw ang magsabi sa kanila."

Bahagya syang napasimangot rito.

Binasa nito ang isip nya!
Si Jessie talaga.
Pero ayos lang.
Iling nya.

The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon