RK 17

20 1 0
                                    

Hanggang sa nakahiga na sya sa kama nya nung gabi ay naaalala nya yun mga sinabi ni Alvarez sa kanya.

Grabe ang pure ng puso nya.

Walang masamang salita na lumalabas at magiliw sya sa mga kasamahan.

Hindi sya nagbabago.

Parang yun papa nya noon sa mga trabahador.

Naalala lang nya.

Nagagalit ito kapag inaaway nya ang mga katulong nila.
May pagkasutil kasi sya noon.
Kulang sya sa pansin kasi busy ang ama kaya nagpapapansin sya.

Nabago lang ugali nya nung naging kaibigan nya si Alvarez.

Sabi ng papa nya..
Lahat daw ng bagay sa mundo connected.
Kahit gaano kayaman ang isang tao.. balewala kung walang nagmamahal sa kanya.
Hindi naman daw nadadala sa langit ang mga kayamanan.
Pantay ang lahat kapag namatay.

Minsan naiisip nya na may pagkakapareho si Alvarez at ang ama.

Sa kilos at pag iisip.

Nagkaiba nga lang sila ng estado sa buhay.
Hindi naman kasalanan ni Alvarez na naging mahirap sya.

Grabe naman kasi yun papa nya.

Sobrang yaman naman nila hindi man lang nagawang tumulong sa mga trabahador nila gaya nila Alvarez.

Kung nag aral ito wala sana ito sa hacienda ngayon at may confidence sana ito sa sarili.

Sayang ang gwapo pa naman nito.

Pwede nga ito mag artista kung gugustuhin lang nito.

Hindi nya namalayan na nakatulog na pala sya.
Nagising lang sya nang may bumato sa kanya ng pillow  sa mukha.

"Hey! She's feeling Beauty gising na!"

Pagdilat nya ng mata nagulat sya nang makita si Maggie sa kwarto nya na syang bumato ng pillow sa kanya.
Napaawang ang labi nya sa pagkabigla.

"Keso!"
Sigaw naman ni Krizzie na kinuhanan sya ng picture.

Gosh! Hindi pa sya handa.
Wala pa syang ayos sa sarili.
Ang messy pa ng itsura nya..
Gosh!!!

"Anong ginagawa nyo rito?"
Nagulat talaga sya nang makita ang mga kaibigan sa kwarto nya.

Sa tagal nilang magkakaibigan ngayon lang nakarating ang mga ito rito.

"Inimbita kami ng papa mo magbakasyon dito." Bulong ni Krizzie.

"Madalas ka daw kasi mahuli na nagsasalita mag isa." Sabi ni Maggie.

Nanlaki ang mata nya na natatawa.
"Walang ganyan ha!"

Nagtatawanan ang mga ito sa reaksyon nya.
Naalala nya bigla yun mga nasa isip nya.

"Anyway, since andito na kayo. Tulungan nyo ko."

Napakunot ang noo ng dalawa sa sinabi nya na natigil sa pagtawa.

The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon