RK 30

19 1 0
                                    

Dahil sa nangyari sa kanya naisip nyang magkulong sa condo.

Gusto nya makapagpahinga man lang.

Isa pa, nahihiya sya sa mga kaibigan dahil sa ginawa nya.

Tinatawagan pa naman sya ng mga ito para kamustahin pero talagang nagtutulog lang sya maghapon kaya hindi nya rin nasasagot.

Kapag okay na sya ay magpaparamdam din sya sa mga ito.

Nung bandang hapon tinawagan sya ng papa nya para kamustahin.

Hindi na nya sinabi ang nangyari sa kanya dahil alam na nya ang gagawin nito pero sinabi nya rito na okay lang naman sya.

Napagod lang sa byahe.

Nagtataka lang sya kung bakit hindi na sya pinilit nitong umuwi.

Yun nga lang pinapapunta sya sa bahay nila sa Quezon City dahil may dinner ang pamilya.

Pagkatapos ng naging pag uusap nila ng papa nya ay may tumawag ulit.

Akala nya ang ama yun tumatawag pero nang mabasa nya kung sino ay si Yael pala.

Hindi nya na sana sasagutin pero mabait naman ito kaya kinausap na rin nya.

"Thank God! Akala ko galit ka sakin."

Narinig nyang bungad nito sa kabilang linya. Muntik na syang matawa.

"Bakit naman ako magagalit sayo?" Tanong nya rito.

Wala naman itong ginawa sa kanya.

Huminga pa ito ng malalim bago sya sagutin.
"Because of what happened last night."

Naalala na naman nya yun ginawa sa kanya ng mga lalaking bastos na yon.

Pinilit nyang maging maaayos kasi tapos na rin naman.
Hindi na nya maibabalik pa.

Sya na nag iisang tagapagmana ni Don Mateo Montereal?
Pero nabalewala yon dahil sa katigasan ng ulo nya.

The point is..
wala naman kasalanan si Yael kaya unfair rito kung sisisihin nya ito. Kagustuhan nya rin ang sumama sa bar.

"Hindi naman ikaw yun gumawa sakin non kaya kalimutan na."

"Still.. ako parin ang dahilan kung bakit nangyari yon. Kung may magagawa ako para makabawi man lang sayo. Just say so para naman gumaan pakiramdam ko."

Hindi nya alam pero ng mga sandaling yon ang gaan ng pakiramdam nya.

Parang ang saya saya nya.

Pero nakaramdam naman sya ng guilt dahil alam naman nyang hindi nito kasalanan ang nangyari.

May naisip sya.

"Gusto mo talaga makabawi?" Tanong nya kay Yael na naninigurado.

Awtomatikong sumagot ang binata na akala mo lahat ng hilingin nya ay ibibigay nito.

The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon