RK 12

27 1 0
                                    

Enjoy na enjoy sya nung ipasyal sya ni Alvarez sa buong Hacienda.

Maraming ipinagbago ang mga lugar.
Ngayon lang kasi sya nakapasyal simula nang magkahiwalay sila nito more than eight years ago.

Marami parin silang mga hayop sa farm.
Yun mga vegetables naman daw at ibang pananim ay maganda ang ani ngayon kumpara noong nagdaang sampung taon.

Ngayon nga lang nya nalaman ang mga bagay na yon.

Hindi naman sya naiinis kapag nagkwekwento ang binata tungkol sa hacienda.

Mas okay na yun kaysa naman magtanong ito ng mga tungkol sa buhay nya sa Manila hindi naman ito makakarelate dahil sa hacienda na umikot ang buhay nito.

Ayaw nya maoffend ang kababata.
Ayaw nyang masaktan ito.

Panay ang kwento nito habang nakaupo sila sa damuhan sa ilalim ng puno na paborito nilang tambayan nung mga bata pa sila.

Buti nga at pumitas ito ng mangga kaya may kinakain sila.

"Alvarez.. ayaw mo ba mag artista?" Bigla nyang naitanong dito kaya napalingon sa kanya ang binata at tumawa ng malakas. "Sayang din kasi yun kikitain."

Hindi na nya dinugtungan ang sasabihin na malaki naman ang ipinagbago ng itsura nito saka makakatulong para makapag aral ito.

"Hindi ko yan linya.. saka may trabaho na ako."
Proud pa nitong sabi kaya napatirik ang mga mata nya.

"Kuntento ka na ba na trabahador ka ng papa ko?"

Hindi ka ba nangangarap ng mas mataas?

Yan sana yun karugtong pero hindi nya itinuloy.
Baka mainis ito.

"Mabait ang papa mo. Kung alam mo lang."

Iniwasan nyang mainis si Alvarez sya naman pala ang maiinis.

Bakit ba lahat sila hindi sya maintindihan na nasasakal sya sa papa nya dahil ipinapasa sa kanya ang hacienda?

"Bwusit.." bulong nya at itinigil ang pagkain.

"May problema ba?" Siko nito sa kanya.

"Wala." Matipid niyang sagot.
Bigla sya nitong pinisil sa ilong.

Sinamaan nya ito ng tingin pero tumawa lang ito.

Napatitig sya rito.
Nakaka goodvibes talaga sya kahit kailan.
Hindi sya nagbabago.
Mas nakakakilig nga lang ngayon kasi mukha na itong hunk.
Noon kasi ay payat ito.

The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon