RK 29

19 1 0
                                    

"Hindi mo ata kasama yun kaibigan mong bulag?"

Tanong niya kay Yael na hindi nainom ang coffee nito kasi natawa na sa tinanong nya.

Niyaya kasi sya nitong magkape at Mukhang naunawaan nito ang gusto nyang itanong.

"Sasha? She's dealing with someone."

Napaawang ang labi nya.
Sabay sabi ng mga Why? At what? Nya.

Nakangiting nagpangalumbaba si Yael sa kanya. "Well, Nalaman nya kasi kung saan nagtatrabaho yun crush nya kaya ayun gumagawa ng way para mapansin."

Napaarko ang kilay nya.
She is so desperate.
Para lang mapansin?
Sino naman kaya ang napakapalad na lalaki ang kukulamin nito?

"Sama ka sa gig namin tonight? Mahilig ka ba sa music."
Imbita sa kanya ng binata.

Paano sya makakatanggi?

Dahil badtrip sya kila Maggie at Krizzie ay di na nya inaya ang mga ito.

Si Jessica naman ay hindi nya mahihila dahil sa problema nito at may pamilya na si Jim.

Okay naman si Yael.
Mabait sya at pareho sila ng interest.
Pero nang magperform na ito binastos sya ng mga kasama nito.

Hinawakan sya nito sa hita kaya napaatras sya. "Bastos ka!"

Natawa ito. "Babe.. kaya ka nga sumama kay Yael para may mapaglibangan kami rito diba?"

Napansin nga nyang nag iisa lang syang babae sa table kaya napatayo sya.

Hinila sya sa kamay ng lalaki sa kabila nya para umupo sya pero nagpumilit syang kumawala dahil sa takot.

"Bitawan nyo sya."

Napalingon sya.

Si Vicenteé Domingo may kasamang dalawang bouncer.

Agad syang umalis sa pwesto ng mga ito nang hilahin siya ng binata.

Kinaladkad sya nito papunta sa kotse nito at hindi sya nakatanggi.

Pakiramdam nya ay natrauma sya nang hawakan sya ng mga lalaking yon.

Nanginginig ang mga kamay nya.
Napalingon sya sa binata.

Kung malalaman ito ng papa nya ay baka maging masama itong tao.

Ilang taon sya iningatan nito tapos babastusin lang sya ng mga lalaking yon.

Si Jim?
Kapag nalaman ng kaibigan ay siguradong susugod ito.
Lalo na si Alvarez na simula pagkabata ay hero na nya.

Nang nasa tapat na sila ng building ng condo nya ay nilingon nya ang binata.
"Salamat."

Akala nya ay hindi ito magsasalita gaya noon pero nagkamali sya.

"Hindi ko yun ginawa para sayo. Ginawa ko yun dahil alam ko kung gaano ka kahalaga kay Alvarez."

So magkakilala silang dalawa?

Binuksan nya ang pintuan ng kotse at bumaba na.

Obvious naman na hindi sila in good terms ni Mr. Domingo kaya mabuti pa na umakyat na sya.

Pinagsisisihan nya na pinairal nya ang ugali nya ng gabing yon.

The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon