RK 23

20 1 0
                                    

"Ikaw lang ang anak ko." Nakangiting harap sa kanya ng papa nya kanina at hinaplos ang mukha nya.

Masarap pala sa pakiramdam yun ganun moment.

Napangiti sya sa sinabi nito.

Pero bakit ba pakiramdam nya bigla syang nalungkot?
Hindi dahil sa usapin tungkol sa hacienda.

Gusto nya maging kapatid si Jessica pero hindi pala.
Ninong pala nito ang papa nya at kinakapatid nya ito.

Tinanong nya ang ama kung alam na ng kaibigan nya ang totoo?

Sinabi lang ng ama na matalino ang kaibigan nya at impossibleng hindi nito alam at nararamdaman na may kakaiba sa pamilya nito.

Baka ayaw lang talaga nito ng confirmation dahil mas gusto nitong paniwalaan ang mga bagay na  kinamulatan na.

Humanga sya sa ama sa parteng yon na naging mabuti itong kaibigan at ninong.
Pero may nakalimutan pa syang linawin.

Yun tungkol kay Alvarez.

Binato sya ni Maggie ng pillow kaya napatingin sya rito.
"Kanina pa kami nagsasalita hindi ka kumikibo."

Nasa sala na kasi silang tatlo nang makatapos sila magdinner.

Nanonood sila ng t.v pero hindi nila naiintindihan.
Kasi iniisip nila yun nalaman nila.

Kanina kasi pare pareho silang hindi nakapagsalita kaya hindi nya namalayan na nagsalita ang mga ito.
"Ano ba yun?" Irita nyang tanong.

Napabuntong hininga si Maggie at natulala kaya si Krizzie ang nagsabi.
"Iniisip namin kung ito yun hindi masabi ni Jim sa atin last time."

Naalala nya nga na may gustong sabihin si Jim sa kanila pero hindi nito masabi dahil hindi nito alam kung paano magsisimula.

Natigil ang usapan nila nang maagaw ang pansin nila ng balita sa t.v

Nagkatinginan silang tatlo.

Natalo ang daddy ni Jessica sa eleksyon.
Hindi ito pumasok sa slot na dati ay nakakapasok ito kahit pang twelve.
Isinugod ito sa ospital dahil inatake ito sa puso.

Lalong mawawalan sila ng dahilan para sabihin sa kaibigan ang nalaman nila.
Malaki ang kinakaharap nitong problema.

The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon