RK 41

15 1 0
                                    

Pinaglalaruan nya ang mga daliri habang kausap sya ng ama.

Nasa opisina silang dalawa at nakarating na rito ang nangyari kaya nahihiya ito dahil maayos nakipag usap si Sasha rito tapos ganun pa ang nangyari.

"Anak.. what's the point of doing such a thing?" Simula ng papa nya.

"Ah. Basta papa! Ayokong ibenta nyo sa kanya yun hacienda."
Mariin nyang tutol sa ama.

Alam nyang wala sa mabuting kamay ang hacienda kapag nabili ng babaeng yon.

Hindi nga nya masabi sa papa nya na kaya lang gusto bilhin ng babaeng yon ang hacienda dahil matagal na nitong gusto magpapansin kay Alvarez.

Pwes! Hindi nya makukuha ang gusto nya.

Napaayos ng upo ang ama.

"So tell me? Kanino ko dapat ibenta? Si Miss Sasha lang may magandang deal dahil lahat ay gustong gawin housing and malls ang buong lugar at yon nga ang iniiwasan ko mangyari."

Nagpapadyak sya na lumapit sa papa nya at niyakap ito.

First time nangyari ito kaya nakakunot ang noo ng papa nya sa kanya.

"Papa naman.. listen to me please. Ayokong ibenta nyo sa babaeng yon ang hacienda!"

Pakiusap nya na parang bata.

Mukha syang iiyak na walang katapusan kapag hindi sya pinakinggan ng ama.
Humarap ito sa kanya.

"I know how good you are Regina. Alam ko rin na iniisip mo na maganda ang deal ni Miss Sasha compare to the other buyers. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ayaw mo? It is because she really likes Alvarez that's why you are preventing her?"

Napalunok sya.

Bakit naman naisip ng papa nya ang mga bagay na yon?

Ganun na ba sila kaclose para mag-open ito sa kanya ng mga ganun bagay?
And she don't understand herself why she can't even talk or say any words to defend herself.

Kapag nagsalita sya baka asarin sya nito ng defensive sya masyado.
Kapag naman nanahimik sya sasabihin nito na totoo.
Nakabonding na ito ng mga kaibigan kaya alam nyang yun lang ang kalalabasan ng kanilang pag uusap

The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon