RK 46

19 1 0
                                    

"Grabe busog na busog ako sa snacks na yan grabe."
Reaksyon ni Krizzie pagpasok nya sa kwarto.

Napatutop sya ng bibig.

"Ako nga rin.. parang ayoko muna matulog sa sobrang pagkabusog ko." Dugtong ni Jim at tumatawang nag apir pa ang dalawa.

Nakalimutan nya kasi sabihin sa cook nila na dalhan ng pagkain ang mga kaibigan sa sobrang excited nya na makita si Alvarez.

Sinabi nalang sya na natutulog na ang mga kasambahay.

Sabay sabay na nagreact ang mga kaibigan na nagsabi ng:
Aaaaaaaahhhh.. okaaaayyyy.

Saka sabay sabay na binato sya ng unan.

"Sabi mo yan ah. Panindigan mo." Ngisi ni Maggie.

Tinawanan nya ang mga ito at saka ibinalik ang mga unan.

"Bakit na naman ba?"
Pabagsak nyang inilatag ang katawan sa sofa bed saka sya nag scroll ng phone para itext si Alvarez kung nakauwi na ito.

Pero may notifications sya sa social media accounts nya.
Na curious syang tignan kaya nag open sya.

Napaayos sya ng pagkakaupo nang makita ang picture nila ng binata sa garden kanina na magkahawak ng kamay. Post ni Krizzie.

May caption pa ito na:
Kukuha daw sya ng meryenda namin pero sya lang nagpakabusog sa kilig. Hanep! @Regina
#puso

Nagcomment pa nga ang mga kaibigan na parang hindi sila magkakasama sa iisang kwarto.

Jim Zamora
Pakilala mo na kami kay bayaw.😁😜
#puso

Maggie Villanueva
Babe @Brendon dalaga na yun pinsan mo.
#puso

Prinsesa Jessie
Panindigan mo yan. Hahahaha...
#puso ng saging

Natawa sya sabay sigaw sa mga ito.
"Grabe kayo ah!"

"Alam na ba yan ng papa mo?" Tanong ni Maggie sa kanya.

Napakibit sya ng balikat na palatandaan na hindi pa alam ng papa nya.

Hindi nya kasi alam kung paano sasabihin sa ama nya ang totoo.
Baka tumutol ito.

At kapag nangyari yon ay masasaktan sya.
Kasi ngayon palang nya nakikilala ang ama.
Ngayon palang nya ito nakakabonding.

"Nakilala mo na yun papa mo diba? And you know how good he is." Paalala ni Jessica sa kanya. "So nothing to worry about."

Iniisip nya yon pero iba parin kapag nagiisang anak ka.
Mataas ang expectation ng magulang sa future ng anak.

Bukas paggising sasabihin nya sa ama.

The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon