Chapter 4

229 2 0
                                    

"Ang sakit ng balakang ko tapos yung mga binti ko pa. Try ko kayang magpa-massage mamayang uwian? Sama ka?" ani Mattie ng nasa harap kami ng mesa ko. "Wala bang masakit sayo? Parang hindi ka napagod diyan." kasalukuyang hinihilot nito ang sentido niya.

Para namang hindi ito sanay sumakay ng jeep. Makapagreklamo sa akin, wagas.

Nagpabili na rin ako sa kanya ng hot tea kanina ng pumasok siya. Late siya ng twenty minutes. Late rin tong uuwi mamaya. Ililibre niya pa ako ng korean cuisine. Talo siya sa pustahan namin kahapon. Nagdiwang nga ako ng hindi ko siya nakitang pakalat-kalat sa office kaninang pumasok ako. Kulang na lang magsasayaw ako sa hallway. Buti na lang hindi ako marunong sumayaw.

"Don't you forget, you lose with our bet." paalala ko sa kanya.

"Oo na. Kung wala ka lang alarm clock baka natutulog ka pa hanggang ngayon."

"That's the used. Gamitin mo rin kasi. Anong silbi ng cellphone mo."

"Sige na. Sige na. Ikaw na ang magaling your majesty."

Nagbow pa talaga sa harap ko. Kulang talaga ito sa tulog. Halata sa eyebags niya. "Ano, sama ka?"

"Saan?"

"Body massage. Malapit lang dito. Hindi na natin kailangang pumunta pa ng SM."

"Ayaw ko. Wala akong pera. The best solution diyan is itulog mo na lang."

"KJ mo."

"Wala ka bang gagawin? Relax na relax ka lang na nakaupo dito sa cubicle ko ah. Mamaya masita na naman tayong nag-uusap dito."

"Mamaya ko sisimulan. Hindi naman papasok si Madam."

"Updated. Kanino mo naman nalaman?"

"Kay Calvin. Nagleave yata siya or dayoff. Mabuti nga yun at ng makapagpahinga naman itong dalawang kilay ko. Parati na lang kasing nagsasalubong pag andito siya." bulong nito sa huling sinabi. Baka may makarinig na iba makarating pa kay visor. Lagot kami.

Kaya pala hindi ko siya nakasalubong kanina. Kasi minsan nauuna pa sa akin na pumapasok yun.

Wala kaming masyadong ginawa sa office ngayon. Nagmonitor lang kami sa monthly report namin. Itong araw na ito lang kami nakagalaw na naayon sa gusto namin kasi walang madam. Walang supervisor. Hindi naman sa ayaw namin sa kanya. Sadya lang talagang may pagkaseryoso ang taong yun. Pati nga mga anak niya, takot sa kanya.

"Shienne." tawag sa akin ni Calvin. Nasa tabi ko lang siya pero pasigaw ang ginawa niya.

Sinilip ko siya between our cubicle.

"Bakit?"

"Kumusta lakad niyo last weekend?" tanong niya sa akin habang my hawak itong ballpen. Linalaro lang niya sa kamay nito.

"It was good. Sana sumama ka. Kakaiba talaga ang ganda ng Tagaytay. Dapat sa susunod na lakad namin, sumama ka na." sabi ko sa kanya.

Naisip ko, kung sumama siya, kuntodo sweet na sila ni Valeen tapos bitter naman ako. Buti na lang, hindi namin siya inaya before kami pumunta.

In just span of two days, nawala ang pagkagusto ko sa kanya. Thanks to Caleb, hindi na ako umaasa sa kanya. Hindi na ako nakakaramdam ng hiya pag kaharap ko siya. Hindi na rin ako nagpapacute sa harap niya. Hindi na ako nagpapapansin at nagpapaganda.

"Sige. May pinuntahan kasi kami ni Mama last weekend kaya kahit gusto kong sumama hindi talaga pwede."

"Ganun ba." alam ko ng girlfriend nito si Valeen. Matukso nga siya. "Kilala mo si Valeen?" patay malisya kong tanong sa kanya. Kunwari hindi ko alam na may relasyon silang dalawa.

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon