"Wow! Anong klaseng luto ito?" Takam na takam na ako sa niluto niya. Excited akong tikman kung masarap ba o papasa na ba siya sa for my taste. "Ngayon ko lang nakita to. Anong tawag dito?" ni hindi ko napansin na pareho lang ang mga tinanong ko.
"Asparagus veggie salad."
Sumubo ako ng konti. Matikman nga. Ngayon ko lang matitikman ang asparagus. "Ang sarap. Naniniwala na talaga ako sayo. Marunong ka ngang magluto." hindi ko mapigilan ang bibig ko na i-appreciate ang gawa niya. "Seb, ang sarap talaga. Susubukan ko talagang gawin to. Simple lang gawin." tumayo ako at kumuha ng dalawang plato, paglagayan ng pagkain namin. Kanin at ulam lang ang sinerve niya sa mesa. I put a spoonful of veggies on my plate. Hindi ko na kailangan ng rice. Kasi ulam pa lang busog na ako.
"Kumain ka ng kanin." kasasabi ko lang sa isip ko e.
"Busog na ako dito." I'm pertaining to the veggies.
"Back on what you've said a while ago, masarap ba talaga?"
"Oo. Ikaw na ngayon itong hindi naniniwala ha."
"What can I get in return to all of these?" I eyed him suspiciously. Pinatong niya ang kanyang braso sa mesa at tumingin sa akin ng nakakaloko.
"Ahhh, humihingi ka ng kapalit. O e di sige, ipagluluto naman kita ng mga ilocano foods. Wala ka pa sigurong natitikman." ng maisip kong baka hindi niya magugustuhan ang luto ko. "Ililibre na lang kita."
"Marami akong pera."
"Ano kaya ang maganda?" nag-isip ulit ako. Mahirap talaga pag mayaman na ang kaharap mo. Lahat na lang kaya nilang bilhin. Lahat na lang ng gusto mong gawin, nagawa na nila dahil nga sa mapera sila.
"Ikaw na lang ang tatanungin ko, ano bang gusto mo? Mga affordable lang na bagay."
"Where's my kiss?"
"Kiss na naman. Mahal ang sa akin. Magrequest ka pa ng iba." kumuha ulit ako sa serving plate. Makakalahati ko talaga itong linuto niya.
"Mahal? How much?"
"Sinakyan mo naman ang joke ko. Ayaw ko yun. Iba na lang."
"May aaminin nga pala ako sayo." pag-iiba niya ng usapan. Buti naman at hindi na niya ipinagpilitan sa akin. Pero umusbong ang kaba sa puso ko. "I kissed you on your lips while you were sleeping. I'm sorry."
Seryoso siya? Hinalikan niya talaga ako kanina?
Pinakiramdaman ko ang mga labi ko. Parang hindi naman. Dapat nagising ako kung talagang ninakawan niya ako ng halik. Kinuha na niya first kiss ko. Aish! Ang bobo ko. Hindi ko man lang naramdaman na linapitan niya ako habang tulog.
"Natahimik ka? I'm only just kidding, okay? Hindi kita hinalikan. I promise."
I'm on a sad face. Akala ko pa naman... nawala na. I'm saving it. Baka lang kasi magkaroon ng world record ang babaeng hindi pa nahalikan. Kung ano na ang naiisip ko.
"Bakit ganyan ang expression ng mukha mo? Parang namatayan ka or something na may nawala sayo."
Silent lang ako. Nahihiya akong sabihin na wala pang nakahalik sa akin.
"Don't tell me... you still don't have a first kiss. So, kung ginawa ko lang na halikan ka, meaning, ako pa lang ang unang nakahalik sayo. Am I right?"
Inirapan ko siya. Ano ngayon kung wala pa akong first kiss? Ano ngayon kung wala pa akong boyfriend? Ano ngayon kung hindi ako in-experience, tulad niya. Mabubuhay naman ako kahit wala ang mga bagay na yun. Hindi sila importante. Hindi talaga. Hindi ba talaga? Hay naku! Ewan.
BINABASA MO ANG
Without You
RandomKaya mo bang isugal ang puso mo para lang malaman mo na siya na talaga? Takot ka sa commitment pero ayaw mong mawala siya sayo. Kakayanin mo pa bang ipaglaban ang nararamdaman mo kung paulit ulit ka na niyang pinagtatabuyan? Will you still love him...