Akalain niyo, nagtagal kami ng dalawang taon and we are still counting and going strong and more happier every seconds that count.
Hindi nagbago yung nararamdaman ko sa kanya. Lalo ko lang siyang minamahal habang tumatagal kami. Hindi ka nagawang tumingin sa ibang lalaki. At hindi ako nagsasawa sa kanya. Nakuha na niya talaga ang puso ko. Hawak-hawak niya ng napakahigpit na ayaw na niyang pakawalan pa at makuha ng iba.
Tungkol kay Asthrid, I don't mind her anymore. Her business is not mine. Seb and that woman are colleagues, business associates, just like that, nothing more nothing less.
He always love me, cherish me and I felt the care that he always give me. He always think of me. He would always find time to see me.
Sa nakalipas na mahigit isang taon, nakilala ko siya ng buo even to the smallest things about him. Even to his past life. More serious, not a happy-go-lucky guy some times. He's more of a decent-arrogat-type of a businessman. He cares a lot for his family and friends. And he gets what he wants if he knows that he deserves it.
Dinala niya ako sa mga lugar na espesyal para sa kanya. We travelled places like he's making my goals do come true. We made memories together with our friends as always the witness.
He find time also to bond again with my family for the second and third and forth time around. He accompanied them with ease and more care.
Napalapit na sa akin ng husto ang pamilya niya. Pag magkasama kami ni Seb at biglaang may appointment siyang darating, inihahatid niya ako sa bahay nila para daw may kasama ako. Nakaka-bond ko ang family niya na hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang pagtanggap nila sa akin. Tita Joe adored me so much. She wants me for his son. She wants me to be his daughter in law. Gusto kong paunlakan ang hiling sa akin ni tita Joe. Hinihintay ko lang ang babe kong madesisyon, kung ano ang next step niya. Hindi man ako handa para sa next step sa buhay namin ni Seb, pag nangyari man yun, gusto kong gawin dahil mahal ko siya at ayaw ko na siyang mawala pa sa akin.
Sige na. Inaamin ko nang nagseselos ako noon kay Asthrid pero alam ko na natural na yun para sa mga babae. Pag binalot ka ng takot, you will loose. Mahina kang tao at hindi kayang harapin ang problema.
Besides, sino ba naman ang nakakayanan na mawala ang love of their life nila. Kung tutuusin, ibinibigay mo lahat.
Tulad ko, mas mahal ko si Seb kesa sa sarili ko. Hindi ko sinasadya pero naibigay ko ang lahat-lahat ng pagmamahal ko sa kanya.
Love? Heart? Napakahirap kontrolin kahit ang sarili mong puso. Walang pinipiling oras at panahon. Kahit na turuan ka ng isip mo kung ano ang dapat gawin, nangingibabaw pa rin kung ano ang nasa puso.
Katulad ko, mahirap paniwalaan kung anong sitwasyon meron ako ngayon.
Sobrang saya ko. Wala na si Asthrid. Umalis na siya. Hindi ko man siya nakilala, okay lang sa akin. Dahil mai-intimidate lang ako pag nakita ko siya.
But dissappoinment are inside me right now. Bakit hindi sumasagot si Seb sa mga tawag at text ko. Kahapon ko pa siya hindi ma-reach out. Tinanong ko siya kay Wyna pero sabi niya busy siya sa trabaho. Dati naman, nagagawa niyang maghanap ng oras para sa akin. Pero bakit ngayon, bigla na lang nawala.
Nagmumukmok ako dito sa loob ng kwarto ko. Nakatingin ako sa kawalan at nag-iisip kung bakit, paano. Ano na ang nangyayari sa kanya?
Sa mga buwan na naglipas, madalang kaming mag-usap. Minsan tuloy, naiisip ko parang napipilitan na lang siyang makipag-usap sa akin. Ni hindi na nga umaabot ng ten minutes ang pag-uusap namin. Dati, hindi ko binibilang ang oras pag nag-uusap kami pero ngayon, pati araw at oras ng hindi namin pag-uusap, nakatatak na rin sa isip ko. Nakakapanibago.
BINABASA MO ANG
Without You
RandomKaya mo bang isugal ang puso mo para lang malaman mo na siya na talaga? Takot ka sa commitment pero ayaw mong mawala siya sayo. Kakayanin mo pa bang ipaglaban ang nararamdaman mo kung paulit ulit ka na niyang pinagtatabuyan? Will you still love him...