Chapter 33 - One:two

126 0 0
                                    

“Parents na lang ang kulang at masasabi na ni Seb sa kanyang sarili na ‘meeting the family, was a success’.” Matt said in an airquote manner.

Napangiti ako. Kailan naman kaya yun mangyayari? Hindi pa nga sumasagi sa isip ko.

“Tanggap agad siya ng kapatid mo ha. May approval ba siya kay Seb? Bet niya? Ay, mali. Bet ba bet nun, sigurado. ” curiousity killed Val so she asked me.

“Parang hindi naman ganun ang nangyari. Parang nagkapalagayang loob na sila. Or malapit na sa close. Nag-uusap naman sila pero pansin ko pa rin na nahihiya ang kapatid ko sa kanya.”

“Huwag kang pakampante baka mamaya niyan, malihis siya ng landas. Imbes na mapunta sayo, napunta sa kapatid mo.” ani Karla pero biro lang niya.

Ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano sa kapatid ko. Alam kong hindi niya yun magagawa sa akin. Lalo na si Seb. Siniguro naman niya sa akin. Kung mangyari man, wala akong magagawa kung hindi sundin ang agos ng tubig. At magpakatatag na rin kung dumating ang panahon na hindi ko kayang wala siya.

“Hindi malandi ang kapatid ko. Hindi naman tayo pwedeng maging judgemental na lang kahit wala pa namang nangyayari.” pagtatanggol ko sa kapatid ko.

“Okay, fine. Sabi mo yan e.” ani Matt pero nagpatuloy siyang magsalita. “Ito yung gusto kong sabihin sa inyo in the first place. Kung bakit ako nakipagkita sa inyo. Naisip ko lang, matagal na tayong hindi nakakapag-out of town trip except Shienne kasi kagagaling niya lang ng Baguio.”

“To where this time?”

“May naisip na ako pero ayaw ko munang sabihin sa inyo kung saan. Sa beach or try nating umakyat ng bundok right? Hiking or camping like that.”

“Exciting, maybe?” may agam-agam si Valeen. “Kung sa beach tayo, okay pag apat lang tayo. But the latter is not...good, I mean, nakakatakot.”

Me too. I’m also scared. Kinilabutan nga din ako sa naging pahayag ni Valeen. Paano kung may multo or mapano kami sa mga lalakbayin namin. Wala namang kasiguraduhan na hindi kami gagabihin.

“Suggestion pa lang naman. Pero... hindi lang naman tayo ang pupunta. We need some more company. The more the merrier, di ba?”

Means? Outing ba ito ng buong opisina? At hindi ako nainform na may ganitong memo. Hala! Anong pinaggagawa ko sa loob ng opisina at parang hindi ko man lang narinig na may ganyang outreach.

“Ha? Outing ba ng company. Wala yata akong natanggap na memo.” nahihiwagaang tanong ni Karla. Pareho kami ng iniisip.

“Ang hirap niyong pumick-up. I mean is yung mga gustong sumama na relatives natin. Mga jowa, ganun.”

“Aahhh.” we said in unison. Ganun pala ang ibig niyang sabihin.

Nakikita ko na kung sino ang isasama ng tatlong babae na ito. Iniwan ako sa ere. Paano ako? Sinong isasama ko sa outing? Teka, mag-isa lang akong nandito. Sila lang yung mga kakilala ko and close friends ko sa loob ng office.

“Unfair naman niyan, may boyfriend kayo tapos wala ako. Sino naman ang pwede kong isama?” pag-aalboroto ko. Nakakainis sila. Hindi ako bitter, ayaw ko lang ng walang makakausap o makakasama na hindi nila masyadong kakilala. “Ano ba ang purpose ng gathering na ito, meet the friends boyfriends to boyfriends to girlfriends and friends?

“Sus, in denial ka pa. Is Seb never crossed your mind right now?” ani Matt. “Siya na lang ang ayain mo. Tutal siya naman ang love interest mo ngayon.” tukso niya.

“Oo nga. Hindi naman siguro yun mag-aatubiling hindi ka samahan, di ba?” ani Karla.

“Hindi ko sigurado kung may libre siyang oras para dun. Pero susubukan kong itanong sa kanya.” Paano kong wala siyang libreng oras para sa akin? Siguro wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya pag nireject niya ako. Double murder ang puso at isipan ko.

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon