"Akala ko isang linggo lang ako maghihintay bago ko malaman ang gender ng baby mo pero inabot tayo ng halos isang buwan." Himutok ni Mattie sa akin. Pupunta na kami kay Doc Agnes. Ngayon lang kami nagkaroon ng time para magpatingin sa kanya. Ngayon lang ako natauhan. Isang rason kung bakit kami nade-delay ay dahil sa kinakabahan ako. Ewan ko ba, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung para saan ang kaba. Aalamin lang naman namin ang gender ng baby. "Ikaw ha, hindi ka sumusunod sa payo ng obygyne mo. Yung mga iba niyang sinasabi sayo, hindi mo sinusunod no? Tumitigas yang ulo mo habang palaki ng palaki ang bata. Sana hindi magmana sayo."
"Sinusunod ko kaya. Sinasamahan mo pa nga akong magpacheck up once or twice di ba? Tapos araw-araw mong pinapaalala sa akin to take my meds. Don't worry, hindi ko pinapabayaan ang anak ko. Ayaw ko namang paglabas niya, sakitin siya. Mas mahihirapan lang akong alagaan siya."
"Oo. Dapat healthy siya palagi."
"Tama." Ng mapadaan ang tingin ko sa isang cake shop. "Itigil mo na muna yung sasakyan. Bibili lang ako ng makakain natin." Naitabi naman niya agad dahil matulin lang siyang magpatakbo.
"Gutom ka na naman. Huwag kang masyadong kumakain ng matatamis."
"Oo na. Babawas-bawasan ko na po." Tumingin siya sa likod namin dahil medyo nalampasan namin ng konti yung shop.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng matapos niyang i-park pero pinigilan niya ako. "Hep! Ako na ang bibili. Madulas pa naman ang daan. Dito ka na lang. Hintayin mo na lang ako dito." Sabi niya.
"Okay." Inabot ko sa kanya ang pera na kinuha ko sa wallet ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumasok siya sa store. Inilabas ko ang phone ko kung may calls ba ako pero wala. Dahil sa walang tumawag, mukha niya ang tinignan ko.
Dalawa na lang ang natitirang alaala niya sa akin. Si huggy at ang picture niya na wallpaper ko ngayon sa phone ko. Halos maluha ako ng i-delete ko ang ilan sa mga litrato naming dalawa.
Nakita na ni Mattie ito pero wala siyang sinabi. Hindi na siya nagkomento pa. Siguro, naisip na niya na hayaan na lang ako sa gusto kong gawin tutal nag-ayos na ako sa loob ng apartment. Halos wala na akong iwan na gamit. Itinago ko na lahat ng mga gamit niya na nagpapaalala sa akin sa kanya.
Siguro pag dumating yung time na magmamahal ulit ako, saka ko na lang siguro pakakawalan ang mga bagay na ito.
Hinaplos ko ang pisngi niya na nasa screen ng phone ko. Mahal ko pa rin siya. Siya pa rin ang laman ng puso ko. Aabutin pa siguro ng isang taon itong nararamdaman ko sa kanya. O mas higit pa. Sa tagal naming nagsama, hindi ako makakamove on ng ganun kabilis. It takes time to forget all about him.
Siya yung totoong minahal ko. Masasabi kong siya na yung first love, first heartache ko. Siya yung ilang beses na iniyakan ko. Siya yung taong hinangad ko. Siya yung nagpasaya sa akin ng higit pa sa inaakala ko. Siya talaga ang mahal ko.
Hindi siya nakatingin sa akin sa picture niya pero ramdam ko ang saya sa mga ngiti niya. Nangingislap ang mga mata niya. Walang bahid ng lungkot. Magkasama kami dito at nasa harapan ko siya noon kaya nakuhanan ko siya ng litrato.
Binuksan na ni Mattie ang pinto sa driver seat. Kinuha ko sa kanya ang mga binili niya. Mga bread lang na may toppings. Gusto ko lang na may kinakain ako habang nasa daan kami. Hindi nakasama sina Valeen at Karla dahil sa kanila naman daw ang susunod. Si Mattie na muna ngayon.
"Tumawag na ba sina Wyna sayo?" Tanong niya sa akin ng pinaandar na niya ang sasakyan.
"She just texted me. Nasa labas na daw siya ng hospital, naghihitay sa atin. Tapos si Shay, hindi pa siya lumalabas ng office. Hindi siya sigurado kung makakaabot pa siya sa hospital baka didiretso na lang daw siya sa apartment niya."
BINABASA MO ANG
Without You
RandomKaya mo bang isugal ang puso mo para lang malaman mo na siya na talaga? Takot ka sa commitment pero ayaw mong mawala siya sayo. Kakayanin mo pa bang ipaglaban ang nararamdaman mo kung paulit ulit ka na niyang pinagtatabuyan? Will you still love him...