"Palagi mo yang reklamo sa tuwing bumabyahe ka. Kung limitahan mo kaya paglabas labas mo ng hindi sumasakit yang katawan mo. E di wala kang problema" sabi ko sa kanya ng makababa na kami ng bus. Nakababa na kami at ilang minuto na kaming nakatayo sa may kalsada pero iniintindi pa rin niya ang balakang niya. Tulungan niya kaya ako sa mga bagahe namin para makapagpahinga na siya agad sa bahay.
"Ang dilim naman dito sa inyo. Tapos itong mga streetlights, kulay orange pa at sa isang side lang ng kalsada ang meron. Delikado dito pag gabi." pansin niya. Hay naku! Pinagdiskitahan pa ang mga streetlights.
"Delikado talaga dito kung hindi ka pa gagalaw diyan. FYI, ecofriendly ang mga ilaw, solar kaya yan. Kaya let's go."
Ala una ng madaling araw kami nakarating. Mahaba-habang biyahe at paglalakbay. Hindi ko na sinabi sa papa ko na magpapasundo ako. Baka sa paghihintay niya sa amin dito sa kalsada, mapagkutawaan pa siya ng mga dumadaan. Ayaw kong may mangyaring masama sa kanila. Hindi ko pa kayang wala sila sa tabi ko.
Malapit lang naman sa may kalsada ang bahay namin, lampas lang ng limang bahay. Pagkarating namin sa bahay, meet-and-greet-my-family ang nangyari kay Mattie. Hindi kami masyadong nag-usap usap kasi anong oras na. Bawal sa mga magulang ko ang magpuyat, hindi maganda sa kalusugan nila. Kami na ang nagtabi sa isang kami ni Mattie. Hindi pa kasi tapos yung pinapagawa ni papa na double decker na kama. Isa lang yung kapatid ko na nandito sa bahay. Yung sumunod sa akin, may work na sa Baguio kaya minsan rin lang dumalaw dito sa bahay. Huli nga naming pagkikita is nung nag apply ako ng work sa Laguna. Isa siyang hotelier staff. At naipasa naman niya ang kanyang interview. Sana makapunta rin kaming dalawa overseas, sa ngayon, pinu-pursue niya yung tinapos niyang career and I'm really proud of her.
***********************************
Hindi ko na tinext si Seb ng dumating kami dito sa bahay kasi anong oras na. Ayaw ko namang istorbohin siya sa pagtulog. Pressure na nga ang inaabot niya sa trabaho, tapos idadagdag ko pa ang sarili ko. Hindi na. Itetext ko na lang siya mamayang mga six am.
Pagkagising ko, umalis na ang mga parents ko. Nagtanim daw ng mais sa bukid sabi ng kapatid ko. Buhay prinsepe ang kapatid ko dito sa bahay. Hindi ko nga alam kung nagseseryoso pa siya sa pag-aaral. Puro mga gadgets na lang ang inaatupag niya. Alas otso na ng umaga kaya natitiyak kung doon nga sila nagpunta. Hindi naman market day ngayon kaya hindi lalabas si mama. Lalabas lang yun pag pupunta ng palengke o kaya bibili sa tiangge. Yung kapatid ko at saka yung tita ko na lang ang nakita ko sa bahay ng magising ako kanina. Si Mattie, ang lalim pa rin ng tulog niya. Uuwi siya bukas ng gabi. Hindi pa rin ako nagpaparamdam kay Seb. Inuulan ako ng hiya baka pag t-in-ext ko siya, hindi agad siya magreply. Ayaw ko pa naman ng ganun. Feeling ko kasi, worthless ako pag walang response.
Kumain na daw si Chris kaya nagluto ako ng ulam namin ni Mattie. Pangalan ng kapatid ko, dditional sa linutong gulay ni mama. Baka hindi magustuhan ni Mattie at least my iba siyang option na pagpipilian. Ilocano dish kasi yun baka hindi niya masanay ang sarili niya sa luto nito. Nagluto ako ng hotdog kasi yun lang ang available sa freezer. Pagkatapos kong magluto at kumain, humiga muna ako sa duyan namin sa likod, nagkataong andun din ang kapatid ko, naglalaro ng games sa phone nito habang nagpapatugtog sa isang phone nito gamit ang speaker na binili ko noon. Tumayo ako at lumapit sa speaker para ifull volume ito.
"Nag-aaral ka pa ba?" tanong ko sa kapatid ko.
"Tinatamad na ako. Ayaw ko ng mag-aral." hindi man lang niya ako tignan habang sumasagot siya. Inaasahan ko na to, may pagkaimmature siya kasi. Kaya wala akong time na makipag boyfriend kasi pera lang ang laman ng utak ko. Pera na maiipon ko pag ako na nag-alaga sa kanila. Nakakastress mag-isip.
Nag-uusap kami in Ilocano langguage ng lumabas si Mattie. Naingayan siguro sa speaker.
"Kumain ka na. Kumuha ka na lang dun ng pinggan mo and serve on your own."
BINABASA MO ANG
Without You
CasualeKaya mo bang isugal ang puso mo para lang malaman mo na siya na talaga? Takot ka sa commitment pero ayaw mong mawala siya sayo. Kakayanin mo pa bang ipaglaban ang nararamdaman mo kung paulit ulit ka na niyang pinagtatabuyan? Will you still love him...