Dilyon's POV
Talagang gusto kong maabutan si Jastine sa bahay ni Tita Joe. Ngayon ko lang siya ulit makikita after a month or two?
Mahirap siyang paamuhin tulad ng ibang babaeng linalapitan ko. Dahil na rin siguro sa influence ni Caleb sa kanya kaya hindi niya ibinababa ang guards niya sa akin. Gayunpaman, hindi sagabal yun sa plano kong lapitan siya at hawakan siya at mayakap minsan. Matagal ko na siyang gusto pero hindi ko lang sinasabi kay Caleb dahil nga sa over protective siya sa mga pinsan niya. Ang alam niya, binibiro ko lang siya. Hindi ko siya masyadong nakakausap pag nalaman ko na may boyfriend ulit siya. She needs some privacy at ayaw kong sumira ng relasyon ng iba. Lalo na siya dahil alam kong ang closeness namin ang masisira kapag sinaktan ko siya.
Torpe ba ako? Dahil hindi ko masabi sa kanya na may gusto ako sa kanya? Hindi. Kahit pinsan siya ng kaibigan ko, may kakayahan pa rin siyang saktan ako.
Ayaw kong magtiwala sa ganda lang ng mga babae. Ayaw ko ng maranasan kung anong nangyari sa akin dati. Naglalaro man ako, pero alam ko ang limit ko. Sinasabi ko na agad sa mga babaeng nilalapitan ko na huwag silang mag-expect ng malalim na relasyon dahil hindi ko yun kayang ibigay sa kanila. I am not that heartless. Kaya sinasabi ko na sa kanila ang bagay na yun, sa una pa lang.
But.. I feel secure when I'm with her.
Mahirap kong pigilan ang sarili kong gustuhin siya. May napapatunayan ako sa kanya. I'm comfortable and safe and loved even she often pushing me away.
Hindi ko siya naabutan dahil kaaalis lang daw nila sabi ni Nay Martha sa akin ng pagbuksan niya ako ng gate. May inilagay nga akong tracking device sa phone niya na ako lang ang nakakaalam. Hindi ako makahanap ng tiyempo para ilagay yun kaya kahit saan ako magpunta, palagi kong kasama ang tracking device.
Nagawa ko yun ng minsang kumain kami sa labas at hindi niya sinasadyang nakalimutan niyang dalhin ang phone niya na nasa mesa at doon ko isinagawa ang plano ko. Kaya nga pag binibiro niya sa akin na baka daw may inilagay talaga akong tracking device sa phone niya, sinasabi ko talaga ang totoo pero siya itong hindi naniniwala. Hinahayaan ko na lang. Pinapaniwalaan niyang nagtatanong lang ako kay Caleb kung ano ang current location niya.
Nasa isang secluded restaurant sila na hindi masyadong pinupuntahan ng maraming tao. Mukhang wala pa ngang tao dahil walang sasakyan na nakapark. Why was she here? It's not like her thing. Tumigil ako sa harap mismo ng restaurant. Hindi tulad ng iba naming pinupuntahan na medyo crowded pero iba ang ambience nito. Stoney ang paligid nito at hindi mamahalin. Kailangan ko na siyang hanapin.
May imi-meet ba siya rito? Suitor? Ang bilis naman yata. Bumaba na ba ang standards niya sa mga lalaki? At sa mga ganitong lugar pa niya dinadala si Jastine?
Anyway, kailangan kong makita yung lalaki kung papasa ba siya sa akin. Baka naman kung sinu-sino na lang ang ipapalit niya sa akin.
Secluded nga talaga dahil walang masyadong tao. Inikot ko ang tingin ko sa loob hanggang sa nangunot ang noo ko. Siya ba talaga itong nakikita ko?
Yung pakiramdam na ayaw mo pa ring maniwala kahit na nakikita na ng dalawang mata mo. Na nasa harapan mo na. Ganun ang sitwasyon ko ngayon. Kasi.. matagal ko siyang hindi nakita. And then after a year or so, nakita ko siya sa hindi inaasahang pagkakataon, nakikita kong may.. anak na siya?
Napailing ako. Si Shienne talaga ang nakikita ko. Wala naman siyang twin at iisa lang siya sa mundo na may ganyang hitsura. Ang talagang pumipigil sa akin para lapitan siya ay sa kadahilanang baka hallucinations ko lang, kung siya ba talaga ito. Ang dati kong kilalang Shienne, wala siyang anak. Ayon kay Caleb, hindi niya hilig ang mga bata. Takot siya sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Without You
RandomKaya mo bang isugal ang puso mo para lang malaman mo na siya na talaga? Takot ka sa commitment pero ayaw mong mawala siya sayo. Kakayanin mo pa bang ipaglaban ang nararamdaman mo kung paulit ulit ka na niyang pinagtatabuyan? Will you still love him...