Chapter 29 - his... (part 2)

112 0 0
                                    

“Anong oras na ba?” he said.

Tumingin ako sa kanya ng magsalita siya. Nakatingin naman ito sa phone nito. Mailap ang mga ipinukol kong tingin sa kanya kahit na alam kong hindi niya ito nakita. Kung may laser lang ang mga mata ko, kanina pa sa apartment ko ito nakabulagta. Nakakasama siya ng loob.

“8:30 am. O maaga ka pa.” Ewan ko sayo. Ibinalik niya ang phone niya sa dashboard. Sabi ko naman sayo, makakaabot ka pa rin.” Hindi kita kinakausap.

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng pigilin niya ako. Sinubukan kong alisin ang mga kamay niya sa braso ko kaya lang mahigpit ang pagkakahawak niya. Bakit hindi na lang kasi pantay-pantay ang mga tao. Unfair talaga ang mundo.

Anyway...

“Hindi mo ba ako kakausapin? Kanina ka pa walang imik.” Hindi ko talaga siya iniimik. Simula nung umalis kami sa apartment hanggang makarating kami dito. Ang tahimik nga sa loob ng kotse niya habang binabaybay namin ang kalsada. “Galit ka ba talaga ha?” hindi na siya nakatiis. He faced me and rest his left arm on the wheel. “Shie, tumingin ka naman sa akin. Dahil lang ba dun kaya mo ako hindi papansinin.” pilit niya.

Bahala siya. “Kailangan ko ng bumaba, hinihintay na ako ni Matt.” sinabi ko lang yun para tumigil na siya. Bumitaw naman siya agad.

Ang bilis naman niyang sumuko. Lambingin niya pa ako ng konti, bibigay na ako.

“Sige, pumasok ka na. Hihintayin na lang kita sa apartment mo. Mag-ingat ka.”

Hindi mo man lang ba ako susunduin dito?

I only nodded. Hindi nga talaga.

This time hindi na niya ako pinigilan pa. Hinayaan na lang niya akong bumaba ng kotse. Hindi na rin ako lumingon sa gawi niya. Diretso ang lakad ko papasok sa opisina. Walang lingon-likod.

Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ko siya pinansin. Sana sinagot ko na lang ang mga tanong niya kanina. Sana kinausap ko na lang siya. Sana ako na lang ang unang nagsorry ng maihatid niya ako. Sana...

Ang daming sana na ayaw ko na sanang isipin pa. Kaya lang naiisip ko pa rin.

“Whooh, may binibining hindi maganda ang araw. Nakasimangot.” tumingin ako kay kuya guard. Ako ba sinasabihan niya? Lumingon ako sa likod ko, sa tabi ko at sa harap. As of after he spoke, ako lang ang napatigil sa harap ng security guard namin. Ako ba yun? Di nga?

Inayos ko ang facial expressions ko. Ramdam ko kasing may konting kakaiba sa mga mata ko, sa paningin ko.

Well, there's only one way to find out.

Pagtingin ko kay kuya, ako nga ang pinupunto niya. Sigurado ako. Nakangiti siya ng pagkalaki-laki sa akin e.

Napalunok ako saka ako pilit ngumiti sa kanya. “Kuya naman, palagi mo akong tinutukso. Kasalanan ko naman kung bakit ako bad mood ngayon. Kaya ganito ako ngayon, nakasimangot.” Inaamin ko na sarili ko na hindi talaga maipinta ang hitsura ng mukha ko kanina. Nakakunot ang noo ko. “Akala ko kasi hindi na ako makakapasok. Ayaw ko pa namang ma-late ngayon. May tao kasing masama lang ang ugali at walang konsensiya.” ani ko.

“Bakit ka naman mahuhuli, e, may tigahatid ka naman.”

Kita mo tong si kuya, nakita na naman ako. Ng tignan ko kung saan kami nagparking ni Seb, wala na dun ang kotse niya. Umalis na siya.

“Nagsimula ka na naman sa akin kuya ha. Babush na. Papasok na ako. Iwan na kita diyan. Byeish.”

Itetext ko na lang si Seb mamaya. Ako na lang ang magso-sorry. Pag hindi ko to ginawa ngayon, baka hindi na siya bumalik. He reassured me naman na hihintayin niya ako mamaya. Pero hindi ako sigurado kung ang assurance niya is gagawin niya o hindi.

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon