Chapter 41 - Being doubtful?

119 1 0
                                    

"Where are you?" Sigaw niya. Inilayo ko ang phone sa tenga ko.

Kung sumigaw siya parang ang layo ng phone sa  tenga ko ha. "Ano ba problema mo? Nandito lang ako, kumakain. Ang tagal mo kasing bumalik. Kumakalam na ang tiyan ko."

Ang aga niyang umalis, mahimbing pa lang ang tulog ko kanina, hindi ako naalimpungatan. Pagkamulat ng mga mata ko, text na lang niya ang nakita ko sa screen ng phone ko. Tapos pagbalik niya... (tumingin ako sa relos ko) alas dos na. Sinong matinong tao ang kakain ng lunch sa ganung oras.

"Are you alone?"

"Oo naman. Bakit?" May iba pa ba akong pwedeng makasama. Except my friends.

"Nothing. Sunduin na lang kita diyan. I'll just gonna unload our bag in my car. Naiayos mo na ba lahat ng mga gamit mo."

"Yup. Pakikuha na rin yung small kit ko diyan sa harap ng salamin. Thanks."

"Okay."

Ito yung ayaw ko pag lumalabas ako at nakikitulog sa ibang lugar. Ang daming trabahong ginagawa. Magpa-pack ka ng bag ng pagkadami-daming gamit.

Mga babae nga naman. Kulang na lang dalhin lahat ng mga gamit sa bahay.

Bukas, pasko na. Natitiyak kong rush hour na sa mga malls. Ano kaya ang pwedeng gawin namin? Lalabas ba kami o talagang sa loob lang kami ng unit niya mananatili. Kung ganun, siguraduhin niya lang na hindi siya aalis at pupunta sa mama niya kundi uuwi ako ng wala sa oras.

Tumatawag ulit siya. 'Hindi kita makita. Saang parte ka ba? Nandito na ako sa parking lot. May pinuntahan ka pa ba?' Sunud-sunod niyang tanong.

I rolled my eyes by his sudden outburst questions. 'Sandali lang. Lalabas na ako. OA ka magtanong. Ako na lang ang pupunta diyan at ng hindi ka naiinip.'

Hinanap ko talaga ang sasakyan niya sa parking space ng Jollibee sa harapan nito. Nasa first row siya sa gilid. Kita ko sa harap ng salamin ang pagkadisgusto niya at pagkainip. Wala ba siyang patience? Ha? Kahit sa akin?

I turned around at sinubukan kong buksan ang pinto sa passenger seat, pero nakalock ito. Gumalaw ito to unlock it beside him at si Seb na ang nagbukas. "Huwag  mo ngang ibunton sa akin yang inis mo. Huwag mo akong idadamay." Nakikisama pa ang init ng ulo niya sa init ng panahon.

He suddenly rubbed his forehead realizing what he had just done to me. Tumingin ako sa labas. Ano bang nangyari sa pinuntahan niya at hindi ko mabasa ang ugali niya ngayon. Ang saya nga lang namin nitong mga nakaraang oras, tapos beast mode na siya pagbalik niya. Nasaan doon ang hustisya?

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya na sigawan ka. Nagkaroon lang ng maliit na misunderstanding sa pag-uusap namin kanina." Well? Newsflash! Hindi pa rin yun sapat na dahilan para ibaling mo sa akin yang galit mo. "Hindi kasi sinunod ng project engineer ang plano ko sa site. Kaya may mga plano na namang mababago. I'm really sorry babe. Please? Forgive me." He puppy eyed. Ginawa niya pa talaga sa akin.

Yung gusto ko pang pag-isipan kung ano ba ang isasagot ko sa kanya. Pero tulad pa rin ng dati, walang pumapasok sa isip ko.

Sinundan ko ng tingin ang mga kamay niyang hawak ang kamay ko. Napigil ang paghinga ko ng halikan niya ang likod ng palad ko. Paano ko siya hindi papansinin kung palaging ganito ang ginagawa niya sa tuwing wala ako sa mood.

Sinalubong ko ang mga tingin niya. "Noon ba, walang nagtatanim ng galit sayo ng matagal o mahigit pa sa isang oras?" Nais ko lang malaman sa kanya mismo kung ako lang ba ang naging ganito, na hindi nagtatagal ang inis sa kanya.

Dinala niya ang kamay ko sa armrest. "Why did you ask? I think si mama lang ang ganun kasi understandable naman na anak niya ako. Pero hindi madalas na tumatagal yung away namin."

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon