Double check.
Nandito ngayon sa apartment ko ang love birds na sina Calvin at Valeen. Dito na sila magpapalipas ng gabi dahil bukas ng umaga, I mean madaling araw, we are really good to go. Nag-ayos na rin ako ng mga gamit ko before pa sila dumating.
I texted Seb around five pm, at hanggang ngayon, hindi pa rin siya sumasagot. Napapaisip nga ako kung anong ginagawa niya.
Kumakain silang dalawa. Kadarating nga lang nila dito dahil dumaan daw sila kanina sa grocery. Sasabay kasi ako sa kanila. Ganito kasi yung set-up namin. Sasabay na muna ako kila Valeen hanggang sa magkita-kita kami nina Seb. Kasama namin sa loob ng kotse yung pinsan ni Calvin na kakilala naman na daw ni Valeen. Yung pick-up naman daw ni Stephen (Matt’s boyfriend) ang gagamitin nilang sasakyan at sasabay sa kanila sila Karla at Arvin.
Nabanggit sa akin ni Caleb na sasama rin daw ang mga kaibigan niya pero hindi lahat dahil ang iba nagbabakasyon sa labas ng bansa. Hindi ko pa alam kung ilan talaga ang makakapunta sa mga kaibigan niya. Tinanong lang din sa akin ni Matt kaya tinanong ko sa kanya.
“Tabi-tabi na lang tayo sa kama na matulog.” sabi ko sa kanilang dalawa. Umupo ako sa harapan nila.
“Hindi na. Sa kotse na lang ako matutulog para komportable kayong makapagpahinga.” Calvin.
“Sure ka?” pag-aalala ni Valeen. “Baka sumakit na naman yung batok mo.”
“Sa backseat ako mahihiga. Aakyat na lang ako dito pag maliligo na ako.”
So far, sa kabilang kanto lang din nakatira yung pinsa ni Cal kaya pupunta na lang dito pag aalis na kami bukas. Galing pala ng Italy, nagbakasyon lang. Pagkakataon nga naman, nagkataon.
Wala na kaming masyadong ginawa pa. Dahil pagkatapos naming magligpit at maihanda ang mga dadalhin namin bukas, pumasok na kami sa kwarto.
***
Lumabas sandali si Val para gisingin si Calvin. Tapos na kaming maligo na dalawa. Dalawang araw kami dun kaya medyo malaki-laki ang mga bag na dadalhin namin.
“Morning Calvin. Nakatulog ka ba ng maayos?” tanong ko ng pumasok siya. Nakaakbay ito sa nobya.
“Morning. Medyo nagkastiffed neck lang ako ng konti.”
“Sorry talaga. Isa lang kasi ang kama dito sa apartment. Hindi ko kasi ine-expect na may mangyayaring ganito. I mean, si Mattie lang...”
“Okay lang. Sanay naman ako. Boy scout kaya ako dati.” pagmamalaki niya.
“Wow. E di ikaw na.”
“Maligo ka na bhie. Tatawagan ko lang si Blair para pumunta na siya rito.” sabi ni Val kay Calvin.
“Thanks.” binigay niya ang cell niya kay Valeen at pumunta na ito sa kwarto. Ha? Huwag niyang sasabihin sa akin na ipaghahanda niya ng damit si Cal. Wow! As in wow. Lumabas ngang may dala-dalang damit.
“Bhie, ito na yung damit mo.” sigaw ni Val kay Calvin na nasa loob ng banyo sabay katok sa pinto. Naliligo na yata kasi dinig ko yung splash ng water sa tiles. Ang bilis naman niyang naghubad ng damit.
“Natural occurence na ba yan sa inyong dalawa o nakalimutan niya lang magdala ngayon?” tanong ko sa kanya ng bumalik ito sa kinauupuan nito kanina.
“Hindi ko din alam. Kasi palagi e, sa tuwing magkasama kami, ganyan siya. Nasabi ko na sa kanya kung bakit siya ganun.”
“E anong sabi niya?”
“Sabi niya nakakalimutan lang daw niya, kasi sa kanila, sanay siyang lumalabas ng nakatapis lang ng towel. Palagi ko ngang nire-remind sa kanya pag nasa ibang lugar kami kaya lang hindi yata pumapasok sa utak niya ang mga sinasabi ko.”
BINABASA MO ANG
Without You
RandomKaya mo bang isugal ang puso mo para lang malaman mo na siya na talaga? Takot ka sa commitment pero ayaw mong mawala siya sayo. Kakayanin mo pa bang ipaglaban ang nararamdaman mo kung paulit ulit ka na niyang pinagtatabuyan? Will you still love him...