Chapter 9

141 2 0
                                    

Paggising ko, nakatalikod na siya sa akin at nakaharap na ako sa kanya. Nakadapa ito. Ang isa nitong kamay ay nakalambitin na sa kama. Napagod ba talaga ito sa pagdadrive o ngayon lang nakapagpahinga ng husto?

Magalaw itong matulog. Tsk. sa isip ko.

Nakita ko yung phone niya sa may bedside table, inabot, inopen ko at tinignan ang oras. Alas kuwatro na ng hapon ayon sa oras nito.

Tinignan ko lang talaga. Hindi ko rin kasi ugali ang nakikiaalam ng cellphone ng iba. Privacy nila yun e. Kami ngang magkakapatid, walang pakialamanan.

Dahan- dahan akong bumangon para hindi siya magising. Itinutok ko ang electric fan sa kanya para hindi siya pawisin. Lumabas ako ng kwarto at sinara ko ang pinto.

Kukunin ko yung phone ko sa mesa para tignan kung nagreply na ba si Mattie. Pagpindot ko sa open button nito. Ayaw mag-open. Ng maalala kong nalo-lowbat na pala kanina at nakalimutan ko pang iswitch off yung data connection nito.

Kung minamalas ka nga naman.

Ch-in-arge ko sa may saksakan sa pader malapit sa kwarto. Hayaan ko munang magcharge ng isang minuto bago ko i-open. Nagpunas muna ako sa mga maalikabok na parte ng apartment habang naghihintay ako.

Sinabayan ko talaga ang bawat pagtunog ng orasan hanggang sa lumipas ang isang minuto, at ng puntahan ko, one percent na. Hinintay kong maopen ito. Pagka-open ko, sunod-sunod na ang mga nagdadatingan na text ni Mattie.

Isa-isa ko talagang binasa ang bawat detalye ng mga text niya. Wala akong pinalampas at isa lang ang pino-point out nito. Yung pagkain na pinabili niya sa akin.

Punta n 'ko s apartment mo. ito ang sabi niya sa latest text nito sa akin. Four thirty ang nakasaad na oras sa phone ko kaya sigurado akong ito ang huli. Meaning, malapit na siya.

Ang aga namang lumabas nito. Naisip ko si Seb. Anong magiging reaction nito pag nakita ni Mattie. Ipinagtataka ko lang kay Mattie, wala siyang reaction sa sinabi ko sa kanya na magkasama kami ni Seb.

Naku! Alam ko na ang plano ng babaeng to. Tatatnungin niya ako ng harap-harapan at sasagutin ko naman siya ng diretso.

Hindi ko na siya nireplayan pa. Papunta naman na siya dito. Kinakabahan lang ako na makita niya si Seb. Pinapanalangin ko na sana tulog pa siya habang nandito si Mattie. Wala namang ideya ang babaeng yun na andito siya e.

Nanonood ako ng may kumatok bigla sa pinto. I tap pause on my laptop at pinagbuksan ng pinto si Mattie.

"Ang aga mo yatang lumabas ngayon. Wala kayong lakad ng boyfriend mo ngayon?" sabi ko sa kanya ng pumasok ito sa loob.

"Wala. Mas excited akong kunin ang bibingka ko. Asan na?" dumiretso ako ng upo. Alam na niya kung saan ko nilagay kung hindi niya makita sa table.

"Huwag kang masyadong maingay. May natutulog." sabi ko sa kanya ng hindi ko siya tinitignan. Hindi ko mapigilan ang sariling wag sabihin sa kanya yun. Nag-aalala lang naman ako na baka mabitin si Seb sa pagtulog niya. Nakasanayan ko na ring mag-alala sa kanya kahit hindi pwede kasi kung tutuusin, wala naman kaming relasyon. I tap again the play button on my laptop. Mabilis siyang lumapit sa akin ng marinig niya ang sinabi ko, iniwan nitong nakaawang ang pinto ng ref. Nakuha naman niya ang bibingka sa loob kaya lang nawala sa isip niyang isara ang ref ng marinig niya ang sinabi ko.

"Mat, ano ba? Yung ref, nakabukas." pabulyaw kong sinabi sa kanya pero mahina lang. Ang mahal kaya ng kuryente. Ang dami kong babayaran.

"Sorry." sinara naman niya at umupo ulit sa tabi ko.

"Who? Kasama mo kapatid mo? Or our admirer? Yung sumundo at naghatid sayo dito. Asus. Pumapalakpak na yang tenga mo o." tukso niya sa akin.

Hindi na talaga siya titigil. May panukso na siya sa akin. "Tumigil ka nga. Si Seb ang natutulog. Kunin mo na yang bibingka mo at ng makauwi ka na. May... "

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon