SEB POV...
We are on our way to Pangasinan. Almost nasa dulo na nga kami. Nag-stop over lang kami sa isang kilalang restaurant dito. Kumakalam ang aming mga tiyan so we need to digest something para matapos ang nasimulan naming gawin. We parked our big motors outfront of this restaurant that we've chosen. Walong oras na siguro kaming nasa kalsada ngayon. One or two in the morning kami nagwarm-up at umalis sa starting line.
Tinikman ko ang inorder kong bulalo. Masarap ang luto nila rito at mainit-init pa. Nanunuot sa lalamunan. Tamang-tama dahil may konting ambon. Tahimik kaming kumakain ng mga kasamahan ko.
We used to participate in a car or motor race event even until now, we still are active. Kasama ko ang mga kaibigan ko sa pagsali sa lahat ng ganitong activity. Pag mga ganitong bagay, napapasyal mo ang lahat ng lugar. Nakikita mo lahat ng estado ng buhay at pamamaraan sa iba't ibang lugar. Siguro ito na rin ang naging daan para mas lumawak pa ang circle of friends ko.
Marami kami sa grupo ko. Kung tutuusin, may kaya kami lahat sa buhay. Successful people kaming matatawag dahil yun sa dedication namin na may mabago sa aming mga buhay.
Hindi ito organized ng mga non-government organizations na random naming sinasalihan. Napagpasyahan lang namin na gumimik, mag road trip dahil matagal-tagal na namin itong hindi nagagawa. We were just escaping stress and overload work from our own businesses.
Nagkasiyahan lang kaming magplano. Matagal- tagal na rin nung huli kaming nagbabad sa daan. Iwas muna kami sa trabaho ngayong araw. No one can mess with us. Walang i-istorbo sa amin. Lahat ng phone namin, nakapower off or naka block lahat ng call and messages.
My group came with at least eight members. May kanya-kanya kaming negosyong pinamamahalaan. Ilan sa mga kasama ko ay nakatira sa malayong mga probinsiya. Ang negosyong pinapatakbo ko ngayon ay noong unang henerasyon pa ng pamilya namin, hanggang sa nag-evolve na ito, napalago ko at ilan sa mga expertise namin ay nabago na. Binago ko ang iba para naaayon pa rin sa pagbabago ng panahon, kumbaga yung mga in demand na pagkain na kinagigiliwan ng lahat.
Ang iba sa mga kasamahan ko ay nakilala ko pa noong nag-aaral pa lang ako ng high school, they are my long long term friends like Nico. Ang iba ay kasosyo ko sa negosyo, at ang iba naman ay nakabase sa agri industry. Nakakahanap pa rin naman kami ng paraan para magsama-sama. Katulad ngayon.
Sa lahat ng mga kaibigan ko, iilan na lang kaming single. Puro nagsipag-asawa na silang lahat at may sarili na ring pamilya. Parang si Dio nung huling buwan kung saan saksi kaming lahat sa pag-aalok niya ng kasal sa long time girlfriend nito. Mas inuna pa nila ang pagkakaroon ng anak kaysa magpakasal. He's also my third cousin from my mother's side.
Also Nico, my closest friends of them all, already have a steady girlfriend. Six years in a relationship with his hotelier girl. Nagkakilala sila nung one time na namasyal si Nico sa Bora. Her name is Brieyen. They have a long distance relationship right now.
Kung tutuusin, tinalo pa ako sa pagiging seryoso sa babae. Tatlong taon na akong walang kasama. Hindi naman ako naghahanap. Busy ako sa business kaya hindi ko inaatupag ang paghahanap ng babae. Hindi sumasagi sa isip ko but I'm longing. Paniniwala nga ng mga kababaihan, kusang dumarating ang pag-ibig.
"P're hindi ka na ata bumibisita sa Laguna. Kung hindi tayo gumigimik, nakasubsob ka sa trabaho. Hindi ka pa sumasama sa amin minsan. Hindi pa ba nagtatampo yung babaeng dinadalaw mo dun? O nakahanap na ng iba?" tukso ni Ivo sa akin. Nakipag-apir siya kay Dilyon na nasa tabi niya and the rest of them laughed at my extent.
"Gago. Tigilan niyo nga ako." ibinato ko sa kanya ang hawak kong towel pero malas ko dahil agad niya itong nasalo.
'Shie.' my mind suddenly speaks for her name. She was not just some anybody woman that I've met. Ibang klase siya. Hindi siya yung mga tipo ko pero ewan ko ba at siya ang nakita ng mga mata ko noon. When I first saw her, I instantly felt that connection with her. There are certain things about her that draws me closer to her.
BINABASA MO ANG
Without You
RandomKaya mo bang isugal ang puso mo para lang malaman mo na siya na talaga? Takot ka sa commitment pero ayaw mong mawala siya sayo. Kakayanin mo pa bang ipaglaban ang nararamdaman mo kung paulit ulit ka na niyang pinagtatabuyan? Will you still love him...