Chapter 50- Amazed

122 2 0
                                    

"Nilalagnat ka ba or something?" Tanong ko. I lean on the table at masinsinan ko siyang pinagmasdan. My face reflects of curiousity and it was so really hard to believe that he's in front of me.

"Bakit?" He curiously asked me, still chewing the food in his mouth. "Bawal ko na bang makita ang girlfriend ko?"

Kumakain pa lang siya ng agahan. Hindi pa daw siya kumain so I served him kung ano ang available na nandito. Hindi naman siya yung taong mapili. Hindi bumabaliktad ang sikmura niya sa mga mumurahing pagkain.

"You do have a spare time to see me huh?"

"Yup. Because you said that you miss me and you want to see me. That's what I heard from you last night. So it's not that bad that I want my girl to be happy ."

I made a face. He is really painfully sweet. Ow. "How about your work? May hinahabol kayong deadline."

"Work can wait. I have my assistant to finish it for me." Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya. "You are more important to me."

"Hindi ka ba niya hinahanap?" Binitawan niya ang mga kubyertos and he looked at my way. My forehead creased at napaayos ako bigla ng upo. "What? May mali ba sa tanong ko?"

"Nagseselos ka na naman ba?"

"Ano sa palagay mo?" Hamon ko sa kanya. Can he guess of what's inside my heart?

"Yes."

"Gaano ba kalalim ang relasyon niyo dati ng ex mo? Pakiramdam mo ba... wala na yung spark between the two of you? Or nakatago lang?"

"Gusto mo bang sagutin ko ang tanong mo?" Hindi na niya ginalaw pa ang kinakain niya bagkus he gave me his full attention, crossing his arms on his chest. And I do the same.

Gusto ko ba?

Hindi na siguro. I trust him enough to not betray me. He wouldn't. He couldn't. Dahil may maganda siyang puso.

Napalingon ako sa tabi ng pinto kung saan inilagay niya ang paper bag. "Para kay Valeen ba yun?"

"Yeah. Nangako kasi ako sa kanya na hintayin niya muna ang gift ko bago siya umalis. Nakakahiya naman sa kanya."

"Sabi nga niya ang sweet mo daw. Buti naman at nakuha mong bumili." I check my phone kung tapos na ba yung dinadownload kong movie. But someone grab it from my hands.

He stand up and sit at the table in front of me. My phone dangling in his other hand. Pinapaikot niya ito sa mga daliri niya. Pag nahulog ang phone ko lagot sa siya akin. "Akin na yan. May ginagawa ako diyan e. Ibalik mo na ang phone ko." I insists at him.

Tumayo na ako para sana kunin ang phone ko sa kamay niya ng inilayo niya ito at hinapit ang beywang ko palapit sa kanya. Awtomatikong napahawak ako sa balikat niya.

I glared at him.

"Masama na naman ang tingin mo sa akin. Sa akin ang oras mo ngayon. Nakalimutan mo ba?"

"Demanding."

Hinalikan niya ang parteng malapit sa labi ko.

"Anong gusto mong gawin natin? But before that, paano ko pala ibibigay kay Valeen? Wala kasi yun sa usapan namin kagabi."

"Alam ba niya na pupunta ka ngayon dito?"

"Oo. Sinabi ko sa kanya."

"Ang daya mo. Hindi mo man lang nabanggit sa akin nung nag-uusap tayo."

"Your reactuon was priceless. Nagulat ba kita kanina?"

"Oo naman no. Ano sa tingin mo. Bigla ka na lang sumulpot sa pinto. Para akong nakakita ng multo sa gulat ko. Buti na lang wala akong sakit sa puso. Baka nagka-heart attack na ako."

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon