Chapter 54 - Mischievous thoughts

81 3 0
                                    

Familiar na ang likod ni Valeen sa akin. Hahabulin ko na sana siya kaso nga lang hindi ko napansin na yung taong mismong nasa harapan ko, mabilis na umikot at tumama ang katawan niya sa akin dahilan para mawalan ako ng balanse. Muntik na akong matumba at mabuti na lang din na mabilis ang reflexes ng lalaking nakabangga sa akin.

Napahawak ako sa noo ko dahil medyo kumikirot sa lakas ng impact. Sa biglaang pangyayari, hindi ko naisip kung anong una kong gagawin.

"Are you okay?" He asked me worridly.

His voice seems a bit familiar. Saan ko ba narinig dati ang boses niya? Nakayuko pa din ako. Nanginginig ang mga tuhod ko dahil ang akala ko matutumba na ako kanina.

"Miss? May masakit ba sayo? Hindi ko sinasadya na mabangga ka. Akala ko kasi walang--"

Iniangat ko ang tingin ko ng maramdaman kong nawawala na ng konti ang panginginig ko.

"Nick? Shienne?"

He recovered first. "Long time no see. When was the last time that we saw each other? I think.."

"Sa coffee shop. Nakalimutan mo na." Nakangiti kong sagot.

"That long? Four months?"

"Yeah! That long. Ano nga pala ang ginagawa mo dito? Pupuntahan mo ba sana si Valeen? Nakita ko lang siya kanina eh. Pumapasok. Hahabulin ko na sana siya. Kaya nga lang.. alam mo na." Tinuro ko ang sarili ko tapos siya.

"Yeah. I'm sorry about that." Napakamot si Nick sa ulo niya. "Ako pala ang naghatid sa kanya. Naka off duty ako ngayon and I'm resting at her place for ten days."

"Wow. Nakakastress ba ang pagiging lawyer kaya kailangan mong magleave ng ganun katagal?"

"Sort of. Sa dami ng mga documents na kailangan naming i-review for the trials. Kailangan ng day-off before the big event." Napahawak ulit ako sa noo ko dahil medyo masakit pa rin. Ibinaba niya ang sarili para magkalevel ang mga mukha namin. Napaatras ako when he touched and inspect my forehead. "Masakit ba talaga? Hayaan mo, hindi na ako pupunta ng gym at kakain na lang ako ng marami para hindi makapanakit ng tao ang abs ko." Biro niya.

"Mahilig ka talagang magbiro no? Kailangan ko na bang tumawa? Sabihin mo lang. Sige na. Papasok na ako. See you when I see you.. again."

"Yup. Waiting." He saluted at me.

"Bye." Saad ko. I waved at him. Iniwan ko na siya sa labas.

Tinanong din ako ni Calvin last week tulad ng tinanong sa akin ni Nick kanina. Kung kailan ba yung huli. Buhay nga naman, may nakakalimutang mga bagay.

Ng papasok ako sa office namin, si Calvin agad ang unang hinanap ng mga mata ko. Kailangan ko ng makuha sa kanya ang phone ko. Namiss ko kagabi. Hindi ako makatulog dahil iniisip ko ang phone ko.

Hindi ko naabutan sa cubicle niya. Ibinaba ko ang bag ko sa upuan ko. Wala pa ba siya? Ano kayang nangyari dun?

"Wala pa ba si Calvin?" Tanong ko kay Aries na nasa tabi ko. Siya lang ang pwede kong mapagtanungan.

"Kanina pa siya dumating. Siguro nagpunta siya kay Valeen. May dala siyang tatlong coffee kanina eh. Baka inabot lang niya."

"Ganun ba? Hintayin ko na lang siya dito."

"May kailangan ka ba sa kanya? Kadarating mo lang pero siya na ang hinahanap mo."

"Naiwan ko kasi yung phone ko sa kotse niya kagabi nung ihatid niya ako. Kukunin ko na sana."

"Then, hintayin mo na lang siya dito. Pabalik na rin yun siguro kasi kanina pa umalis."

"Okay."

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon