Chapter 30 - his... (part 3)

108 4 0
                                    

Hindi na ako mapakali. Natataranta ako na may halong kaba. Hindi ko na nga rin napapansin na nakakagat ko na pala ang ibabang labi ko, kakaisip. Gabi na pero wala pa rin siya dito dahil sa malamang wala pa ang kotse niya sa labas ng apartment.

Nakapagbihis na rin ako. Sa katunayan nga, pwedeng-pwede na akong matulog. Pumunta rin ako kila ate Ching, kumain, take out some of her specialties, baka sakaling maabutan ko siyang dumarating. Pero wala pa rin. Nakapanood na rin ako ng dalawang episode ng romantic doctor baka sakaling kumatok siya at mapagbubuksan ko pa siya ng pinto, sana. Pero wala pa rin.

Napakamot ako sa ulo ko. Nanggigigil ako. Dapat sana nagiging advanve rin ang mga tao no? Tulad na lang pag naiimagine ng isip mo na iba't ibang cases, sabay na ring nangyayari sa mismong harapan mo. Tulag ng iniisip ko ngayon. Gusto kong dumating na siya.

Pabalik-balik ako ng lakad. Nahihilo na nga ako sa ginagawa ko pero hindi ko pa rin kayang tumigil. Tingin ako ng tingin sa oras. Alas nuebe na. Darating pa kaya siya?

Nagbalik alaala ako sa mga katagang binitawan niya bago siya umalis at mataps niya akong ihatid.

Aish! Kainis. Nakakairita. Ano ito ha? Palagi niya akong paaasahin? Palagi na lang. Simula na ba ng kalbaryo ko ha? Lagi niya akong pinag-iisip ng mga ganito pag hindi siya sumisipot. Nakakasawa na.

Hindi naman ako ganito dati. Okay! May araw naman na nangyari sa akin to dati pero hindi palagi tulad ng ginagawa ng lalaking ito ngayon. Ano to? Sideline? Pag umaga sa paperworks ako nai-stress, pag nasa apartment naman na ako, siya naman ang poproblemahin ko. Magulo na nga sa lugar na ito, mas magulo pa ang buhay ko.

Carefree lang ako nung wala siya e. Trabaho lang ang iniintindi ko. ‘Pero nung dumating siya, mas lalo kang naging masaya. Nakilala mo ang buong pagkatao mo. Nagkaroon ka ng lalaking magp-fulfill ng mga goals mo. Mas masaya ka ngayon coz you know that he's your dream guy.’ nanginginig ang mga kamay kong inabot ko ang ulo ko. Palagi siyang may komento.

Nasa kanya yung duplicate key nitong apartment ko. Sana man lang binalik niya bago siya nagbalak na iwan na ako... permanently? Ito na pala plano niya, sana man lang nagpaalam siya ng maayos. Sana sinabihan man lang niya ako na isa lang akong fling at laro para sa kanya. Hindi naman importante yung susi sa kanya. Mas importante ang looks niya, dignity and his reputations as a busy business mogul.

Sinipa ko ang paa ng upuan pero ako pa ang nasaktan sa ginawa ko. Parang sa sitwasyon ko ngayon, ako na yung may gusto, ako pa ang nakakaramdam ng sakit. Hinahayaan kong saktan ang sarili ko.

“Makatulog na nga lang.” bulong ko sa hangin. “Hindi na yun babalik.” Babalik siya kung gusto niya. Papasok na sana ako sa kwarto ko ng umikot ulit ako para icheck ang pinto kung nakalock ito ng mabuti.

Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Sana man lang nagreply siya sa text ko di ba? Kung ganito rin lang naman pala ang outcome ng ginawa ko, sana hindi na ako humingi ng sorry sa kanya. Pinapahiya niya ako.

Gusto kong i-switch off ang phone ko para mawala ang communication naming dalawa. Or better yet, delete ko na lang phone number niya tutal hindi ko pa naman ito kabisado ngayon. Hindi ko pa memorize. Childish na kung childish. Ito lang ang naiisip kong paraan.

Paano kung tumawag siya ulit? Huwag ko na lang idelete. Matutulog na lang ako.

He always makes me to wait and assume something that was not going to happen. Palagi.

Inaamin kong assuming din naman ako to the point na nag-e-expect ako ng very very good outcome.

Subukan ko kaya siyang tawagan? Isang beses lang. Pag hindi niya sinagot, wala na talaga.

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon