Chapter 62 - The art of moving on

81 4 0
                                    

Simula ng araw na yun, simula ng tinalikuran ko siya, iniwan ko na rin ang mundong ginagalawan naming dalawa. Lumayo ako sa mga taong malapit sa kanya. Inilayo ko ang sarili ko sa mga bagay na magpapaalala siya sa akin. Iniisip ko na ano pa ba ang lugar ko sa buhay nila kung lalapitan ko pa sila.

Hindi ko naisip na yung mga napapanood ko lang dati sa tv, ginagawa ko na ngayon. Nangyari na sa akin. Hinintay ko pa talagang mangyari sa akin para maniwala na ako na minsan sa realidad, may pagkakahalintulad pa rin sa mga napapanood.

Dumating yung araw na wala akong maisip gawin. Ayaw kong nakahiga lang kaya ginawa ko ang nararapat. Gusto ko na silang pakawalan. Ang mga itinago kong alaala naming dalawa.

Hanggang ngayon hinihintay ko pa rin ang pagbabalik niya. Saka na lang siguro ako titigil kahihintay pag alam kong hindi na ako nasasaktan at tinatawanan ko na lang ang mga nagawa ko sa kanya noon.

***

Una kong ginawa, naggrocery ako ng mga gusto kong kainin. Ayaw akong samahan ni Mattie. Kaya umiinit na naman ang dugo ko sa kanya. Mas malala pala ang pagiging moody ng mga buntis.

Pagdating ko sa apartment, humingi ako sa mga kapwa ko tenants kung may available ba silang mga boxes. Wala silang maibigay dahil itinatapon daw nila agad. Tinanong nila sa akin kung para saan ko yun gagawin at sinabi kong may kailangan lang akong iligpit.

Bumalik ako sa loob ng kwarto ko ng walang dala. Tinanggal ko ang mga nakalagay sa mesa na binili ko para doon ko na muna iipunin ang mag bagay na ibinigay niya sa akin.

Sinimulan ko na sa kitchen. Yung mga binili naming dalawa na gamit, ilalagay ko rin sa safety box. Yung mga naiwan niyang gamit. Yung mug na kung saan nakaimprenta ang litrato namin ng magkasama. Pag pumupunta siya dito, hindi siya gumagamit ng ibang mug kundi yun lang.

Punung-puno ng alaala niya ang loob ng apartment ko. Kung pwede ko lang itapon ang mga alaala namin. Kung sana ganun lang kadali. Pero nakabaon na sa isip ko. Sana dalhin ng lang ng hangin. Sana nakawin ng paglipas ng mga araw ang mga nakabaon sa memorya ko. Sana ganun lang kabilis na makalimutan ko siya.

Ang hirap pa rin mag-adjust. Dala-dala ko pa rin ang sakit. Nakabaon pa rin sa isip ko ang mukha niya. Sa kaso ko, nagagawa ko pang mag-alala sa kanya.

Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Kumusta na siya? Hinahanap siya ng puso ko kahit na ako na ang lumayo. Kahit tumigil na ako. Mahal ko pa rin siya. Hindi pa yun nawawala. Hindi pa rin naglalaho.

May komunikasyon kami nina Wyna at Shay pero noong araw na yun, sinabi ko na sa kanila na hindi na nila pwedeng banggitin ang pangalan niya sa mismong harapan ko. Ayaw ko ng marinig ang pangalan niya. Tama na yung tahimik ko lang sinasabi sa sarili ko ang pangalan niya.

Kung gusto nilang magmove on ako, huwag silang magkukwento tungkol sa kanya. Pero gayunpaman, kahit hindi sila magsabi sa akin, ang puso ko pa rin ang bumibigkas sa pangalan niya.

Kailan siya aalis sa sistema ko? Kailan siya aalis sa puso ko?

In-open ko ang cabinet sa kwarto ko. Nakita ko agad ang mga damit niya. Napahaplos ako dito. Hindi na siya babalik. Bakit pa siya babalik kung masaya na siya. Ano pa bang babalikan niya dito? Hindi siya mag-aaksaya ng oras na pumunta dito para lang kunin ang mga damit niya.

Kinuha ko lahat ang mga nakatuping damit niya at niyakap ito.

I miss him. I do really miss him.

Hanggang ngayon, ang sakit- sakit pa rin ng puso ko.

Yung mga gamit niya, mga binili niya para sa akin. Inilabas ko lahat. Ngayon ko lang napagtanto, ang dami niya pa lang naiwan para sa akin. Ang dami niyang nagawa para sa akin. Pero kulang pa ito sa lahat ng mga gastos niya sa lahat ng mga pinuntahan at ginawa namin.

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon