May agam-agam ako. Pagdadalawang isip. Torn mind.
Hindi ako mapalagay. Hindi ako mapirmi sa iisang lugar lamang. Ang isip ko ay naglalakbay papunta sa malayo. Sa kanya.
Yung feeling na gusto ko na siyang puntahan ngayon pero hindi pwede. Yung feeling na gustung-gusto ko na siyang makita pero lalong hindi pwede. Yung feeling na sana nasa tabi ko na lang siya para hindi na ako nag-aalala pero napakaimposibleng mangyari.
Malayo siya sa akin. Nasa starting point ako at nasa gitna siya. Gusto kong umiyak pero natatakot akong ilabas ang mga luha ko.
Pagbalik ko sa apartment after I bonded with his family, hindi na siya sumasagot sa mga tawag ko. Hindi siya nagre-reply sa mga texts ko. Nababaliw na ako kakaisip ng paraan para makausap siya.
Ayaw kong umuwi sa amin na ganito kami. That there is a need to discuss with him.
Uuwi ako ng probinsiya. Doon ako magbabagong taon kasama ang pamilya ko. Ako na lang din ang hinihintay nila. Nakauwi na ang kapatid ko.
Kailangan ko siyang makausap pero paano. Ayaw kong mag-isip ng masama pero wala akong pagpipilian para hindi gawin yun. It's like he is my lifeline.
Tinawagan ko si Matt at sinagot naman niya sa unang ring pa lang nito. 'Hello, Matt?'
'O, bakit? Aalis ka na ba? Magpapaalam ka pa sa akin. No need frenny. Naiintindihan naman kita. I really felt na gusto mo talagang makasama mo ang family mo.'
'Isa na rin yun sa mga rason. But, I don't think na makakauwi ako ngayon. Hindi kasi sumasagot si Seb sa mga calls ko. Kinakabahan ako Matt.'
'Concern much beh? Ano ka ba. Huwag ka ngang praning. Baka naman may ginagawa lang yung tao. Maybe nasa isang conference meeting di ba? Kaya hindi siya sumasagot. O baka naman may kabusiness deal. Huwag ka ngang masyadong mag-isip. Sige ka. Magkakawrinkles ka niyan sa ginagawa mo.' Naisip pa niya talaga ang wrinkles sa estado ko ngayon.
'Hindi ko nga maiwasang mag-isip. Kung ikaw kaya ang nasa posisyon ko ngayon, anong gagawin mo kung hindi mo ma-contact si Stephen ha?' Hamon ko sa kanya.
'Talagang ako pa ang ginawa mong examplar. Kasalanan mo din naman. Walang ibang sisisihin kundi ang sarili mo. Bakit kasi nagkagusto ka sa isang businessman ha. Alam mo naman na mahahati ang atensyon niya sayo at sa trabaho niya. Alam mo, mas uunahin niya ang ikakaunlad ng business niya kesa ikaw. Para namang ikaw din hindi ba? You have a job to do first. Understandable na ang situation niyo sa isa't isa. Lahat naman, ganun' She explained pero hindi pa rin mapanatag ang loob ko.
'Alam ko. Pero ngayon lang ulit to nangyari.' Pilit ko. Nakasimangot na ako at nanginginig na rin ang boses ko. Gusto kong sumigaw ng malakas para lang gumaan ang bigat dito sa puso ko.
'O sige. Gusto mo bang samahan kita? May time ako para sayo. Ikaw pa. Nasa apartment ka pa ba? Puntahan kita.'
'Oo. Asan ka ba?'
'Dito sa bahay nila Stephen. Sinamahan ko kasi siya. Wala yung family niya.'
'Hay naku, huwag na. Kawawa naman si Stephen. Aalis na lang ako. Gusto ko lang namang may makinig sa akin. Anyway, thanks Matt.'
'Sure, ikaw pa. Andito lang ako. Sigurado kang kaya mo?' She asks, asking for approval.
'Okay lang ako. Sige na. Ba-bye. Baka may gagawin ka pa.'
'Ingat ka pag-uwi mo. Hintayin mo na lang na siya ang tumawag sayo. Huwag kang mababagot. Kung hindi pa siya tumatawag sayo until tomorrow, sabihan mo lang ako. Ako bahala. Bukas ka na lang umalis para mas safe ang byahe.'
BINABASA MO ANG
Without You
RandomKaya mo bang isugal ang puso mo para lang malaman mo na siya na talaga? Takot ka sa commitment pero ayaw mong mawala siya sayo. Kakayanin mo pa bang ipaglaban ang nararamdaman mo kung paulit ulit ka na niyang pinagtatabuyan? Will you still love him...