Nagpapahinga kami dito sa petron station. Ito lang ang lugar na pwede kaming tumigil. Nagstop over na muna kami dahil sa naiihi na kaming mga babae. Ito yung unang beses na tumigil kami simula nung sinundo namin si Seb. So far, wala pa namang aberya. Smooth pa rin ang takbo ng oras.
Bumili si Karla ng ice cream at yun ang pinagkakaabalahan niya ngayong kainin kahit na magkakaharap pa kami, kahit na umagang-umaga pa lang. Malamig na pagkain na ang ipinapasok niya sa tiyan niya.
“Sana nag-almusal muna tayo Karla before ka kumain ng ice cream. Baka sumakit tiyan mo niyan.” sabi ko. Takam na takam siya sa ice cream.
“Saan ba tayo pwedeng kumain dito? Gutom na ako. Hindi masusu-suffice ng mga binili na pagkain ni Val ang gutom ko. Feeling ko nga hindi pa tayo nakakalayo.”
“Tanong na lang natin mamaya sa mga boys kung may alam sila na kainan. Nakakaramdam na nga rin ako ng gutom. Walang kalaman-laman itong sikmura ko guys.” wika ni Mattie sabay haplos sa sikmura nito.
Paglingon ko sa mga boys, nasa kotse sila ni Seb, nagkukumpulan. Became instantly close? That was a record breacking. Hindi pa sila formal na magkakakilala pero dinaig pa kaming mga babae. Ilan sa mga barkada ni Seb, may hinihithit na sigarilyo sa pagitan ng dalawang daliri nila ng biglang mapalingon si Seb sa gawi namin particularly at me. Nagtagpo ang aming mga mata ng ilang saglit bago niya ulit ibinalik ang atensyon niya sa mga kasama niya.
“Malayo pa tayo pero nase-sense ko na ang fun,” ani Karla with matching giggle pa.
“At least it was worth it pag nakarating na tayo dun. It’s been a really long time when we went to Tagaytay. Nakakamiss magbyahe ng malayo.” Valeen. Inalala pa niya talaga. Pero... Tagaytay?... hindi nga talaga malilimutang pangyayari... on my part.
“Me too also, miss ko na rin.” Karla.
“Yeah, kasi kung hindi talaga tayo pumunta noon, hindi magku-krus ang landas ng dalawang to o.” sabay kami ni Seb na tinuro ni Matt gamit ang thumb niya on me at kay Seb naman ang forefinger niya. Kaloka.
“That’s true also.” Valeen agreed. “Hindi sana lumalovelife ang kaibigan natin.” tukso nila sa akin.
“In the meantime, umalis na tayo at maghanap ng pwede nating kainan.” hindi kami gumalaw sa pwesto namin. Si Matt lang ang lumapit sa mga boys particularly to her boyfriend na si Stephen.
“Magrerequest na naman yan kay Stephen.” pahayag ni Valeen sa amin.
“Magpapaka-bebe girl. I’m sure.” pagsang-ayon ko sa sinabi niya.
Ng makita kong lumalapit na sa amin si Seb, hudyat na yung iba nagsipasukan na sa mga sarili nilang sasakyan.
“Tabi-tabi po. Sinusundo na po kayo ng inyong mahal na prinsipe.” tukso sa akin ni Valeen at maarteng hinampas ako sa braso. Umalis ito kasama si Karla.
“Gumamit ka na ba ng restroom? Aalis na daw tayo. Maghahanap daw tayo ng breakfast lounge.” his said to me.
“Okay na. Tapos na ako.” hinawakan na niya ang likod ko at inalalayan niya akong pumunta na sa kotse.
***
“Anong plano ng kaibigan mo pag nandun na tayo?” tanong ni Seb sa akin. Tumuloy ulit kami sa byahe. Talagang malayu-layo pa. Sa tantiya ko, mga dalawang oras pa lang ang layo namin sa Manila.
Dalawa lang kami dito sa loob ng kotse niya. Ilan sa mga nakikita ko sa backseat is gamit niya sa trabaho. Laptop, may nakafolder, at saka yung shoulder bag niyang kay kapal. Talagang dinala pa niya e hindi rin naman niya yan maaasikaso pagdating namin dun.
BINABASA MO ANG
Without You
RastgeleKaya mo bang isugal ang puso mo para lang malaman mo na siya na talaga? Takot ka sa commitment pero ayaw mong mawala siya sayo. Kakayanin mo pa bang ipaglaban ang nararamdaman mo kung paulit ulit ka na niyang pinagtatabuyan? Will you still love him...