“Nambibitin ka e. Ugali mo. Pa-suspense?” angil ni Matt sa akin saka niya ako binato ng kakapiranggot ng cookies na hindi ko mapapansing may ibinato siya. Naramdaman ko na lang na may tumama sa pisngi ko. Ang messy!
“Ikaw kaya magkwento ng pagkahaba-haba at ng hindi ka madehydrate. Namamaga na nga ang lalamunan ko o. Kung nakikita mo lang ang loob ng lalamunan, maaawa ka sa akin. Parang sahara desert ang peg.” litanya ko.
“Iba ang ugali niya no?” out of nowhere na sabi ni Valeen. “Hindi siya yung taong hindi ka igi-give up agad porque’t hindi mo naibigay ang gusto niya.” Paano naman niya nasabi. Hindi pa naman sila nagkikita. “To think na mayaman siya and he can see girls that he all wanted in life. No offense sayo friendship,” I nodded. “-pero nagtitiis siya sayo makuha niya lang ang atensyon mo and...well, masolo ka.”
“Totoo yan. Base sa mga kinukwento mo, sweet siya in another kind of way.” Karla said with a dreamy like on his face.
“Binigyan niya rin ako ng huggable bear. Ang laki. Yung tinitignan ko sa mall nung huling punta natin dun Matt. Naaalala mo?” she nodded. “Mas malaki pa dun ang ibinigay niya sa akin. Halatang hindi siya nagsasayang ng pera sa akin.”
“Aminin mo na kasi sa amin na kinikilig ka naman talaga sa kanya.” tukso ni Valeen.
“Kaya ngayon pa lang, intindihin at alamin mo na kung anong gusto ng puso mo. Nanliligaw siya. Hindi pa naman siya nagpaparamdam na nagsasawa na siya di ba? Dahil sa mundong ito mahirap na ang makahanap ng isang katulad niya. And he’s rare.” Matt.
“Nanliligaw? Sagutin mo na friendship. Sige ka. Maghihintay ka na naman ng iba pag nawala siya sayo. Or else, tatanda ka ng dalaga this time.” biro ni Valeen sa akin.
I appreciated all his efforts to me. Everything. As in lahat. “Naguguluhan pa rin ako. Hindi pa ako makapagdesisyon sa ngayon.” sagot ko.
“Hanggang kailan yan? Yang hindi ka makapagdesisyon? Ang itatak mo sa isip mo ay kung kailan siya magtatagal. Pakiramdaman mo kung anong sinasabi ng puso mo. Kasi, ang tao hindi kayang maghintay ng matagal. Life is too short Shienne. So take the chance. Natural sa mga tao ang masaktan. Kung yun ang isa pang ikinakatakot mo.” Matt.
I took a sip in my mocha and my mind returned before today. Baguio.
***
We are actually eating our breakfast at this moment. And it was a free meal service from the hotel. Sabay sana kaming kakain pero iniiwan niya ako because of his stupid ever job. Not exactly stupid.
Two eggs sunny side up, fried bacon, stewed apples, two slices of toast breads and two hot chocolate. San pa kami, e di dito na. Sosyal naman ng breakfast nila. Ang hindi ko lang nagustuhan sa serving nila is yung choco, walang lasa, hindi matamis kaya uminom na lang ako ng tubig na hindi malamig.
Ako yata ang nakaubos sa pagkain naming dalawa. Napakatasty kasi nung bacon hindi ko mapigilan ang hindi ubusin. Ng maubos ko na lahat, hinayaan ko na lang sa bed yung tray tutal may mga hotel staff naman silang maglilinis. Aalis na rin kami mamaya at diretso na kami ng uwi.
I went to find clothes in my bag to wear for today. Buti na lang nakapagdala ako ng sweatshirt. Oops! My bad. Siya pala ang nag-organized. I spread them on the bed para hindi makusot.
Talagang malamig kahit na maaraw. Hindi pa niya sinabi sa akin kung ano ang gagawin namin ngayon at kung saan kami pupunta. Mas iniintindi niya ang mga kausap niya sa phone. Hindi nga kami masyadong nakapag-usap kagabi and also this morning after we woke up dahil habang kumakain siya may katext din ito. Mas gusto ko na rin naman ang ganung set-up, kasi ayaw kong magsalita pag kumakain ako.
BINABASA MO ANG
Without You
RandomKaya mo bang isugal ang puso mo para lang malaman mo na siya na talaga? Takot ka sa commitment pero ayaw mong mawala siya sayo. Kakayanin mo pa bang ipaglaban ang nararamdaman mo kung paulit ulit ka na niyang pinagtatabuyan? Will you still love him...