"Asan ka na?" tanong ko sa kanya by the phone. Tinawagan ko na siya dahil naiinip na akong maghintay. Pinaready niya ako ng maaga tapos siya lang pala itong late na makakarating.
"Sorry, nasa office pa lang ako. May pag-uusapan pa kami ni mama kaya hindi pa ako pwedeng umalis. Hintayin mo pa ako ng mga konting oras pa. Please?"
Maghihintay na naman ako? Ilang oras na naman kaya ang aabutin ko nito.
Tumawag siya kanina ng paalis ako sa office. Sabi niya on the way na siya, siyempre binilisan kong umuwi para maihanda ko pa ang mga gamit ko. Pero lumipas na ang dalawa't kalahating oras, kating kati na akong tumayo sa upuan ko, wala pa rin siya. Inaabot lang naman ng two hours ang byahe niya pero lagpas na sa dalawang oras, wala pa rin siya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong tawagan siya. Tapos sasabihin lang niyang nasa opisina pa lang siya. Wala palang silbi yung paghihintay ko.
"Huwag na lang kaya nating ituloy to. Marami ka pa naman yatang gagawin e. Saka baka ayaw na ng mama mo---" dapat mahinahon lang ang boses ko para hindi niya mahalatang inip na ako pero...
"No." sumikdo ang puso ko doon ha. Halos sigawan ba naman niya ako sa sinabi ko. Parang ayaw niyang hindi ako matuloy. "I'm sorry. Pasensiya na kung nasigawan kita." It's okay. sagot ng utak ko. "Pupunta ako. Susunduin kita. Okay?"
"Sige. Hihintayin na lang kita dito kung ganun. Itext mo na lang ako pag tapos na kayong mag-usap ng mama mo."
"Okay." Ibinaba na niya ang call. Nakita ko sa screen na may text si Mattie. I opened her message.
Mattie: Nakaalis na kayo? Ingat ka sa kanya. Baka pagbalik mo dito, buntis ka na.
Grabe siya.
Shie: Buntis agad? reply ko sa kanya.
Naghanap ulit ako sa files ko ng mga pwede kong panoorin. Mga bago na lang na movies para pag tapos na, andito na si Seb.
Mattie: Hindi mo siya matiis no? Kelan lang nung sunabi namin sayo na huwag ka na munang sumama sa kanya, pero nagpacute lang sayo ng konti, umoo ka na agad.
Shie: So, babawiin ko na naman ang sinabi ko? Ano bang ginawa mo nung ikaw ang niyaya ng boyfriend mo?
Mattie: Sumama ako agad. Anong magagawa ko kung gusto ko talaga siya.
Shie: Yun naman pala e. Ipagpalagay na lang natin na gusto ko rin siya, kaya pupunta ako ngayon.
Mattie: Bakit mo pa ipagpalagay, gusto mo naman talaga siya.
Shie: Kung pagsabihan niyo naman ako. Kaya ko naman na siguro ang sarili ko sa kanya.
Mattie: Wala ka pa kasing experience. Sabi mo yan ha. Kaya mo na ang sarili mo.
Shie: Sabi ko, siguro.
Natumbok niya ako doon a. Nagdadalawang isip na naman ako sa desisyon ko.
Halos isang linggo na naman ang nakalipas ng magawa niya akong kausapin. At ngayon nga, pinilit na niya talaga ako na puntahan siya. I discarded yung thoughts na sinabi nina Mattie. Two nights, one day ako sa unit niya. Gabi na pero may balak pa siyang sunduin ako dito sa apartment. Maaga akong nag-out ngayon kaya sinamantala niya.
Shie: Bahala na. text ko ulit sa kanya.
Mattie: Wala pa ba siya. Gabi na kaya. Susunduin ka niya talaga kahit anong oras pa. Persistent siya sis.
Shie: Wala pa nga e. May pag-uusapan pa daw sila ng mama niya kaya hintayin ko daw ulit siya.
Mattie: Baka sasabihin na niya sa mama niya na pinopormahan ka niya. O kaya, baka may balak na siya ngayon na ipakilala ka sa parents niya. I'm so happy for you Shie.
BINABASA MO ANG
Without You
CasualeKaya mo bang isugal ang puso mo para lang malaman mo na siya na talaga? Takot ka sa commitment pero ayaw mong mawala siya sayo. Kakayanin mo pa bang ipaglaban ang nararamdaman mo kung paulit ulit ka na niyang pinagtatabuyan? Will you still love him...