"Teka lang. Bakit ganyan ang suot mo? May pupuntahan ka pa ba? Anong oras na kaya. Hindi ka ba tumitingin sa relos mo? Wala ng open na stores ngayon no." Umupo ako sa kama at inangat ko ang tingin ko sa kanya. Kasalukuyan siyang nakaharap sa salamin.
Makaporma naman, parang aalis ng unit niya. Then something plucked at my head. No way! Gagala ba sila ng mga kaibigan niya? Sinabi niya sa akin na hindi siya aalis eh.
"Hoy," I said, pointing at him. "Sabi mo dito lang tayo. Saan ka pupunta?" Tuloy ko.
Huwag siyang magkakamaling umalis.
He looked at me through my reflection in the mirror, still his back on me. Finally, he turned, approaching me in a slow movement. I tilted my head to my left, unsure what he's up to this time.
"Look," simula niya habang naglalakad pa rin siya palapit sa akin. "I'm sorry, okay?" For what? "Biglaan kasing plano. We're gonna attend my mother's party tonight." Mabilis niyang saad na muntikan ko pang hindi naintindihan.
May ganung pag-uugali siya?
"Anong sinasabi mo? Mas maliwanag pa sa sikat ng araw yung napagkasunduan natin di ba? Na tayo lang dalawa ang magse-celebrate."
"Pag ginawa natin yun, ito lang ang paskong hindi ko makakasama si mama at ang buong pamilya ko. Magtataka sila kung bakit hindi ako makakasama. Isa pa babe, alam nila ang bawat kilos ko. Sinabi ko na sa kanila, alam na nilang may kasama ako ngayon dito. Alam nilang ikaw yun Shie."
Walang hanggang away ba tong ginagawa namin? May susunod pa ba rito? Kahapon pa kami nagtatalo. Tapos panibagong problema na naman yung ngayon.
Diyos ko? Sabihin niyo naman po sa akin. Kung maaari po, bigyan niyo naman po ako ng signs na may darating pala na ganito.
"Hindi ko alam... hindi ko talaga alam. Ewan ko. Hindi ko alam." Natataranta kong sagot. Mabilis kong tinungo ang restroom. Pinagsarhan ko siya ng pinto.
Naalarma ako ng tinangka niyang buksan ang pinto. He followed me. Hindi ko namalayan na napindot ko pala yung lock ng pinto.
"Babe. Can you please, open the door. We need to talk." He shouted from the other side.
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na may ganun kang plano? Alam mo namang hindi pa ako ready." Sigaw ko.
"Buksan mo na itong pinto. Paano ako makakapagpaliwanag sayo ng maayos kung ayaw mo akong pagbuksan ng pinto. Sige na babe. Open the door." Umikot ako at dahan-dahan ko siyang pinagbuksan. Hindi ko tinanggal ang pagkakahawak ko sa doorknob. "Pumunta na tayo. Pag hindi ka komportable, pwede naman tayong umalis anytime. Sabihin mo lang sa akin. Sige na. Gawin mo na to. For my sake. For us." It's always for your sake Seb. "I know, masyadong malaki itong hinihingi ko pero gusto ko itong gawin. Para lalo ka ng magtiwala sa akin.
I hardly sigh, more than calmer than I had. "Hindi ba magagalit sa akin ang mama mo? Paano kung--"
"Bakit naman siya magagalit sayo. Wala ka namang ginagawang masama sa kanya." Lumapit pa siya lalo sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko and guided it for me to embrace him by the waist and him returning the favor. "If we get there, make my mom proud of us huh?"
"How?" Isinandal ko ang ulo ko sa chest niya.
"Just act normal with yourself. Wala kang dapat baguhin. Kung ano ka ngayon, ganun lang din pag nandun tayo. Simple as you were."
"Ewan ko sayo. Paano nga pala yung mga niluto natin ha? Kung magplano ka naman kasi parang yun na ang mangyayari." He shrugged and laughed.
"It's happening. Magpalit ka na para makaalis na tayo. Wear something casual. Just simple outfit that's not make you uncomfortable."
BINABASA MO ANG
Without You
RandomKaya mo bang isugal ang puso mo para lang malaman mo na siya na talaga? Takot ka sa commitment pero ayaw mong mawala siya sayo. Kakayanin mo pa bang ipaglaban ang nararamdaman mo kung paulit ulit ka na niyang pinagtatabuyan? Will you still love him...