Another month ended and still my current situation is unprogressive. Matagal silang nagbakasyon sa Malaysia. Siguro umabot din sila doon ng halos dalawang linggo. Sumasakit na din ang ulo ni tita, sa kadahilanang hindi niya makausap si Seb. He purposely turned off his phone.
Hindi ba siya natatakot kay tita Joe na sa ginawa niya, maaaring ikapahamak niya. Talaga bang gagawin niya ang lahat, talikuran ang lahat, para lang kay Asthrid? Kung sakaling ako ba ang nasa posisyon ni Asthrid ngayon at nagkataong ayaw ako ng mama niya, gagawin din kaya niya ang lahat para sa akin? Iiwan din ba niya ang lahat?
Humingi na si tita Joe ng favor kay Valerie na magstay muna siya ng limang araw dito na pinaunlakan naman nung huli. Tumutulong na rin si Wyna sa kanila sa iba pa nilang branch, magpapaturo na lang siya kay Valerie pag may mga kaso na hindi niya alam ang gagawin. Dahil si tita na ang tumapos sa mga naiwan ni Seb na trabaho.
Galit na galit si tita kay Seb. Pinababayaan niya ang dapat na sana ay trabaho niya. Umalis siya ng bansa ng walang memo na galing kay tita. Pinagkatiwalaan siya na siya ang magmanage ng kanilang negosyo pero hindi niya ginagawa ang tungkulin niya. Bigla na lang siyang umalis. Sa kanila. Lalo na sa akin. Hindi niya lang ako iniwan kundi ipinagpalit niya pa ako.
Nabanggit din ni tita Joe sa akin ng minsang mag-usap kami sa phone. Na kung gusto ko, ay magresign na ako sa pinapasukan kong trabaho at tuturuan niya daw ako sa business nila. Na tinanggihan ko ulit. Ayaw kong i-torture lalo ang sarili ko.
Paano ko tatakasan ang trabaho ko dito at sasama sa gusto ni tita Joe kung wala na nga kaming relasyon ng anak niya.
Aaminin ko, gustong-gusto ko ng sabihin sa mama niya na matagal na kaming hindi nag-uusap ni Seb at si Asthrid ang kasama niya sa Malaysia. Gusto ko ng ikwento sa kanya ang lahat ng nangyari pero ako din ang unang umaatras. Dahil hindi kaya ng konsensiya at ng puso ko na ako ang dahilan ng magiging away nila. Ayokong sisihin ang sarili ko at ilagay sa kapahamakan si Seb para lang isalba ko ang sarili kong nararamdaman.
Malapit ng hindi ko maitago ang sikreto ko. Nagiging halata na kasi ang tiyan ko. Nakakahiya man dahil sa maaga akong nabuntis pero kailangan kong panindigan ito. Hindi ko siya pinigilan noon kaya ako ang nagdurusa ngayon. Ako lahat ang umaako ng responsibilidad.
Nabibigatan na ako sa sitwasyon ko. Dapat ngayon, tinutulungan niya ako. Tinutulungan niya ako sa araw-araw na paghihirap ko. Gusto ko itong itago hanggang sa manganak ako kaya lang malabong mangyari. Kahit anong klase pa ng damit ang susuutin ko, makikita pa rin ng lahat.
Nagpapasalamat ako dahil hindi pa nagtatanong ang mga kaibigan ko sa pag-iiba ko ng style ng mga damit na sinusuot ko. Hindi na kami pumunta ng doctor para magpacheck up tulad ng gusto nila. Natigil ako sa pagduduwal pero hindi pa rin nawawala ang pagkahilo ko at pagkahilig ko sa mga pagkain. Sumasakit na din ang likod ko at nanghihina ng konti ang katawan ko.
Tumawag ulit ako kina Wyna para sabihing masakit ang likod ko. Lumuwas na naman ako kila Shay dahil sumasakit ang balakang at likod ko. Pumunta agad kami sa doctor pagdating na pagdating ko. Yung tumingin sa akin noon, siya na ang magsisilbing obygene ko. Doon lang din kasi may tiwala sina Valerie at Shay. At nalaman ko na kaya pala sumasakit ang katawan ko dahil kasama din daw iyon sa pagbubuntis. Sasakit talaga ang likod at balakang. It's a natural occurence in the first period of being pregnant. Binigyan niya ulit ako ng mga vitamins.
Nagtiwala agad ako kay Doc Agnes ng nakiusap kami sa kanya na hindi niya muna sabihin kay tita Joe. And ginawa naman niya. Kami pa lang din ang nakakaalam hanggang ngayon. And I'm thankful na umaayon sa kagustuhan ko ang tadhana.
Ngayon, walang abiso si Seb kay Shay kung kailan sila darating ng Pilipinas. Hinihintay ko lang naman na sabihin sa akin ni Shay ang pagbalik ni Seb. Desidido na ako na kausapin siya. Huli na ito. Kailangan ko na siyang makausap. Kailangan na niyang bumalik dito. Isa pa, sabik na akong makita siya ulit.
BINABASA MO ANG
Without You
RandomKaya mo bang isugal ang puso mo para lang malaman mo na siya na talaga? Takot ka sa commitment pero ayaw mong mawala siya sayo. Kakayanin mo pa bang ipaglaban ang nararamdaman mo kung paulit ulit ka na niyang pinagtatabuyan? Will you still love him...