Mattie is dreading for lunchbreak to come. And that's no, no good for me.
You know the thing. You'll going to share it with me of what happened back then when I went home.
Sabi niya sa akin ng dinaanan niya ako kanina. Umaalingawngaw talaga sa utak ko ang pagkakasabi niya. Kinilabutan pa nga ako sa paghaplos niya sa balikat ko. Sa tono ng pananalita niya, hindi ka talaga pwedeng hindi sumunod sa gusto niya, mararamdaman mo talaga yung word na authority na bumabalot sa kanya.
Gusto ko na hindi na dumating ang lunchbreak. Alam ko na ang plano niya. Gigisain niya ako about sa nangyari sa amin ni Seb ng umalis siya sa apartment. Pipilitin niya ako hanggang sa makuha niya ang sagot sa mga tanong niya. Monday pa lang ngayon, pero chismis na ang gustong atupagin ni Mattie. Hindi niya ba naisip na marami kaming gagawin sa loob ng opisina? Konti na nga lang, pati paghinga namin, kung maaari, ay maitigil din.
Napapalingon talaga ako sa wrist watch ko and then sa wallclock. Ten minutes na lang ang natitira bago kami lumabas. Ng biglang may humila pataas ng kaliwang braso ko. Muntik ko ng nabitawan ang phone ko dahil sa gulat.
"Mattie, ano ba? Nanghihila ka na lang bigla, may ginagawa pa ako." bulyaw ko sa kanya. Hindi ko ugali ang nang-iinis pag may nanggugulat sa akin, oftentimes, medyo tumataas lang ng konti ang boses ko.
"Hay naku! Huwag ka ngang sumigaw diyan. Hindi yan uubra sa akin. Hindi ako nagugulat. Saka anong may ginagawa, nakahawak ka lang naman diyan sa phone mo. Hinihintay mo siguro tawag niya 'no?"
"Hindi a." mabilis kong sagot sabay hila sa kamay ko na hawak niya pa rin. Hindi naman talaga. I-open ko lang sana ang newsfeed ko before kami kumain sa labas.
"Labas na kasi tayo. Para mahaba-haba naman ang usapan natin." yumuko ito ng konti at lumapit sa akin. "Madali lang naman ang mga itatanong ko sayo."bulong niya sa akin sabay kindat. Umayos na ito ng pagkakatayo. "It's lunchbreak already. Kaya tumayo ka na diyan at ng makakain na tayo. Gutom na ako."
"Hindi pa oras para kumain. Ang aga pa kaya." pero hindi pinansin ni Mattie ang sinabi ko kundi hinarap na nito si Calvin.
"Calvin, kumain na tayo. Ituloy mo na yan mamaya. Malilipasan ka na naman ng gutom sa ginagawa mo." parang nanay kung mag-alala. Ibang klase rin talaga tong kaibigan ko.
Wala na akong magagawa ng pinilit nila akong tumayo. Pati nga rin itong si Calvin, napapayag niya kasi tumayo na rin ito.
"Tara na Shienne." yaya sa akin ni Calvin.
Bwisit.
Nakabusangot ang mukha ko ng makarating kami sa restaurant, nanlaki bigla ang mga mata ko kasi nadatnan na namin na nakaupo na sina Karla at Valeen. Ibig sabihin pag nagtanong sa akin si Mattie mamaya about kay Seb, di apat silang makikinig.
Napasubo yata ako nito. Hindi man lang kasi makapaghintay itong isa na ako ang magsabi sa kanya. Pinipilit pa niya talaga ako na magkwento. Wala namang nangyari na maganda after niyang umuwi. Pero aaminin ko talagang meron pero hindi na detailed or more interesting na pwedeng pag-usapan.
Nagprisinta na rin si Mattie na siyang mag-o-order ng kakainin ko. Buti naman at ng hindi na ako gumasto pa ngayong araw. Pamasahe ko na lang ang problema ko.
"Kumusta day off mo Shienne?" tanong sa akin ni Valeen. Si Mattie na nga lang ang nag-order sa counter e. Nagpatulong na lang siya sa mga crew na bitbitin ang mga inorder niya na pagkain. Ibinaba ko ang phone ko sa mesa at ipinatong ko ang isa kong hita on the other side.
Siyempre, magkatabi na naman ang lovets sa grupo. Baka nga hindi pa namin namamalayan, magkaholding hands na sila sa ilalim ng mesa. Feeling ko rin, hindi na nalalayo ang word na kasal sa dalawang ito.
BINABASA MO ANG
Without You
RandomKaya mo bang isugal ang puso mo para lang malaman mo na siya na talaga? Takot ka sa commitment pero ayaw mong mawala siya sayo. Kakayanin mo pa bang ipaglaban ang nararamdaman mo kung paulit ulit ka na niyang pinagtatabuyan? Will you still love him...