Dahil sa kanya, pagod akong naglinis ngayon. Dahil sa kanya, umiral ang pagkaindustrious ko. Minsan lang mawala ang pagkatamad ko ng dahil sa kanya. Wala siya sa plano ko. Wala sa plano kong makita siya ngayon. Wala akong balak maglinis at mag-ayos ng mga gamit. Pag naglinis ako mapapagod na naman ako. Wala na akong pahinga niyan. Ang gusto ko lang, makapagpahinga ang isip at katawan ko. Hindi ko kaya ang minsang pag-oovertime ko sa trabaho.
There are so many ways that I can meet him up. But why now? Ang daming pagpipilian ni tadhana. Gayunpaman, kahit saang anggulo tignan, nagkita na kami sa lahat ng pwedeng eksena na maisip ko. Wala akong magagawa kasi plano ito ni tadhana kaya hindi ako pwedeng magreklamo. Tapos na. Nangyari na. Nangyayari na.
"Makakaligo na rin sa wakas." kinuha ko na ang damit ko na ipinatong ko kanina sa kama.
Akmang tatanggalin ko na ang suot kong damit ng maalala kong hindi ko pa pala nakuha yung phone ko. Ang tahimik kaya pag wala akong naririnig na music. Lumabas ako ulit ng banyo at kinuha sa kitchen area. Ipinatong ko sa may sink at binuksan na ang gripo pagkabalik ko sa banyo. Sinasabayan ko ang kanta while I'm having my shower.
Hindi na ako masyadong nagbabad pa sa tubig kasi patanghali na. Pagpapawisan na naman ako pag nagtagal pa ako doon sa loob. Binuksan ko na ang electric fan at tinutok ko sa akin. Naglagay pa rin ako ng polbo at lipstick. Kahit hindi ko sigurado kung pupuntahan ba talaga ako ni Seb dito sa apartment. Tinanggal ko na ang towel sa buhok ko at hahayaan ko na lang na matuyo ito. Ginamit ko na lang ang mga daliri ko na pansuklay sa buhok ko.
Binuksan ko ang laptop at pumwesto na ako sa kama.Isinandal ko ang likod ko sa pader sabay patong ng laptop sa lap ko but before that, kinuha ko muna yung phone ko sa banyo and clicked the stop icon. Inilagay ko sa tabi ko expecting na maybe tumawag ulit siya.
T-inype ko na ang password and shoot, it opened. Natuto lang akong kulikutin ang laptop nung naging office girl na ako.
"Showtime. Marathon it is." sabi ko sa sarili. Itetext ko sana si Mattie kaya lang nagbago isip ko. Trip niya mga korean drama talaga kaya lang pag pinapunta ko siya dito, yayain na naman akong lumabas. Gagastos na naman ako ng malaki, wala na nga akong pera. Isa pa, baka magkita sila dito ni Seb if ever.
Madaming files ang makikita dito sa laptop ko. Puno ng iba't ibang genre ng songs ang laptop ko pati na rin mga movies and dramas especially korean. Nagiging updated ako sa mga shows nila, sa kanta man o sa mga drama nila. Kaya hindi pwedeng masira o mawala ito. Walang duplicate ang mga files na nasa loob nito. Ito lang kasi ang ginagawa ko pag dayoff namin or wala kaming planong maggala. Pati nga rin si Karla na walang hilig noon, nahumaling na rin sa mga gwapong korean boys. Iba kasi yung charisma and cuteness nila.
Itinuloy kong panoorin yung pinanood ko last wednesday. Sobra yung ginawa kong pagpipigil na tapusin yun noon kasi may pasok ako kinabukasan. Alas dose na ng hatinggabi noon ng pinatay ko yung laptop.
Walang aircon dito sa apartment ko kaya nagta-tiyaga ako sa electric fan. Saka mataas ata ang konsumo ng aircon. Pag as in na naiinitan na ako, pumupunta ako sa mga airconditioned na establishments and tumatambay ng ilang minuto.
Bibili ako mamaya ng softdrinks ko. naisip ko.
Hinanap ko kung saan ako huminto sa drama na pinanood ko. Inayos ko na ang sarili ko at manonood ng mahanap ko yung last scene na nawatched ko.
Naiiyak ako sa part na yung lalaki at babae were having an argument about something. Marami kasing involved na tao ang ayaw sa kanila. Gusto ng lalaki na ituloy pa rin nila yung realsyon, ipaglaban nila kung anong meron sila. Kaya lang yung babae, iniisip niya yung mga reaction ng mga tao and isa pa marami silang nasasaktan. The girl wants to give up but the guy said never.
BINABASA MO ANG
Without You
RandomKaya mo bang isugal ang puso mo para lang malaman mo na siya na talaga? Takot ka sa commitment pero ayaw mong mawala siya sayo. Kakayanin mo pa bang ipaglaban ang nararamdaman mo kung paulit ulit ka na niyang pinagtatabuyan? Will you still love him...