"Jaisse, meron kang dapat malaman tungkol sa akin." Kinakabahan kong pahayag.
Nasa tabi ko si Mattie. Nagbibigay lakas sa akin. Tumawag ako kay Jaisse. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya sa ipagtatapat ko sa kanya. Si Mattie ang nag-udyok sa akin para sabihin ko na sa kanila. Pero uunahin ko na muna si Jaisse. Dahil alam kong maiintindihan niya ako. Dahil alam niya kung anong pinagdaanan ko. Hindi man detalyado pero may hints siya.
"Na nagkabalikan na kayo? Nagresign ka sa trabaho mo? Bibisitahin mo ulit ako dito?"
I bit my lower lip and slowly close my eyes. Kung sana ganun lang ang nangyari pero mali siya. "Hindi." I stated firmly.
"E ano? Seryoso ba yan? Tungkol ba saan?" Parang gusto ko na lang na si Mattie na ang magsabi sa kapatid ko. Hindi ko talaga kaya. "Hoy!" Singhal niya ng natahimik ako. "May trabaho pa kaya ako. Gaano ba yan kaimportante? Hindi ba pwedeng mamaya na lang pagkaoff duty na ako?"
"O sige. Mamaya na lang." Mabilis kong sagot. Tinapos ko agad ang tawag. Pigil na pigil ko ang paghinga ko.
"Hay naku! Kung ganyan ka lang palagi sa kapatid mo, walang mababago. Wala na silang magagawa no', nandiyan na si Cato."
"Natatakot lang ako sa magiging reaksyon niya."
"Then embrace it what it will be. Ipaunawa mo sa kanila ang nangyari. Nandito naman kami para tanggapin si Cato. Siyempre, mabibigla sila dahil unexpected eh. Hindi nila lubos maiisip na may anak ka na. Pero pag nagtagal, mamahalin na din nila si Cato."
"Sana."
--
Mag-isa na lang ako dito sa apartment. Umuwi na si Mattie dahil may dinner date sila ni Stephen. Ang tagal kong itinago sa kanila ang bagay na ito. Ang taas ng pangarap nila para sa amin ni Jaisse.
Siya na ang unang tumawag sa akin. 'Hey!' She burst out.
"Tapos na ba ang duty mo?"
"Oo. Ano nga pala yung sasabihin mo kanina? May nangyari ba sayo? Okay ka lang ba?"
...
"May anak na ako." Silence feels like eternity. My heart stop to beat. I cannot hear her breathing. "Jaisse? Are you still there? Magsalita ka naman."
'Huwag ka ngang magbiro ng ganyan. Hindi nakakatawa.' Natatawa niyang pahayag. Hindi talaga siya maniniwala.
"Sa tingin mo ba, magandang biro na sabihin kong may anak na ako. Jaisse, may anak kami ni Seb."
'Di ba, di ba hiwalay na kayo. Paanong--'
"Buntis na ako bago pa man kami maghiwalay. At hindi niya alam na may anak kami."
'Teka. Napakahirap tanggapin. Ang hirap paniwalaan. So, ang gusto mong sabihin, may anak ka kay Kuya Caleb pero hindi niya alam na may nabuo kayo. Paano niyan ngayon, ikaw lang ang mag-aalaga sa kanya? Ganun ba? Ikaw lang ang tatayo niyang ama at ina? Ate Shienne--'
"Wala akong choice kung hindi niya ako mahal. Ayaw kong ipagsiksikan yung sarili namin sa kanya. Jaisse, hindi siya masaya sa akin. Ayaw kong itali siya sa akin dahil lang sa may anak kami. May sarili naman siyang puso. May totoo siyang minamahal."
'Anong pangalan niya?'
"Cato."
'C-cute. Boy huh?'
"Yep."
'Madaming beses tayong nag-usap sa telepono pero ngayon mo lang sinabi sa akin. Ginawa mo lahat ng mag-isa. Kinaya mo ng mag-isa ka lang. Sana nung una pa lang, sinabi mo na sa akin para pinuntahan kita. Para sinamahan kita. Sino na lang ang tumulong habang wala kami nina Mama? Mag-isa ka lang na nandiyan.'
BINABASA MO ANG
Without You
RandomKaya mo bang isugal ang puso mo para lang malaman mo na siya na talaga? Takot ka sa commitment pero ayaw mong mawala siya sayo. Kakayanin mo pa bang ipaglaban ang nararamdaman mo kung paulit ulit ka na niyang pinagtatabuyan? Will you still love him...