Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ko. Tumutugtog ang kantang "Bad Blood" ni Taylor Swift nang kunin ko ang cellphone sa taas ng drawer ko.
Isa lang naman ang alam kong ka-Bad Blood ko na tatawagan pa ako para magising lang. Ang aga-aga nambubulabog. Napuyat pa man din ako kagabi.
Patuloy pa rin sa malakas na pag-ring ang phone ko. Pinatay ko na ang tawag at inis na inis na lumabas ng kwarto ko.
Tama nga ang hinala ko. Ang pesteng lalake na namang 'yon ang nang-iistorbo sa'kin. Tinignan ko siya nang masama. Inirapan niya lang ako at sinilid na ang cellphone sa bulsa.
"Ginalit mo na naman, Pat," sabi ni Julian sa kanya na natatawa pa.
Nagkibit-balikat lang ang bwisit.
"Sorry for Pat, JC. Kanina pa kasi kami kumakatok, e," paliwanag ni Marco.
"Anong oras na kasi natutulog, kakapanood ng corny na Korean dramas," sita ng bwisit na Patrick the asungot.
"'Wag mong sisirain ang umaga ko, pwede ba!" bulyaw ko sa kanya.
"Enough," singit ni Julian na gumitna na sa'min ng bwisit, tila pinipigilan ang chance na magbangayan kami ng mas matagal.
"We're going to the bookstore, JC. May klase na bukas, e," aya ni Marco.
"Hindi pa ako pinapadalhan ni Papa ng pera. Kayo na lang muna," malungkot kong sagot.
Narinig kong tumikhim ang bwisit. "Told you she wouldn't come. Nagsayang na naman kayo ng oras kay Dora. Pati ako pinatawag niyo pa sa kanya."
Dora ang tawag niya sa'kin simula nang magpagupit at magpa-bangs ako. Hindi ko naman talaga siya kamukha. Maputi ako at chinita. Payat lang din naman ako. Sadyang bully lang talaga ang bwisit.
"Sino bang nagsabi sa'yong tawagan mo ako ha, Boots?" balik ko sa kanya.
Hindi niya kamukha si Boots. Actually gwapo naman ang loko. Naaasar lang talaga ako sa kanya. Bipolar, e. Minsan tatawa at aasarin ako. Maya-maya seryoso at masama akong tinitignan.
Umikot ang mga mata ni Julian. "Here they go again. Nasa kwarto lang ako kapag tapos na kayong magbangayan."
Umalis na siya. Laging umaalis si Julian kapag nag-aaway kami ng bwisit niyang kapatid. Pati siya naaasar na rin.
Kasalanan kasi ng kapatid niya, e. Ang lakas lang mambuska. Lakas maka-trip.
"JC, may ipon naman ako. I can buy you your school supplies," pagmamagandang-loob ni Marco.
"You're too kind. Kaya nga nawawalan na ng hiya 'yan, e," sabi ng bwisit.
Sasagot na sana ako nang magsalita ulit si Marco.
"Tama na, Pat. Wait for us in the car. I'll wait for JC here. Tatawagan ko na rin si Kuya Julian."
Umikot ang mga mata ng bwisit. Tinignan niya pa ako ng mataman bago umalis.
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Teen Fiction"Magtaguan tayo. Taguan ng feelings. Ang unang bumigay, TALO." This is a Filipino love story of two teens who are forced to take the challenge of playing hide and seek their friends initiated until one gives up and decides to lose.
