Nagising akong mabigat at masakit ang ulo. Hindi ako naglasing kagabi. Hindi lang ako nakatulog. Panay pa ang kantyaw nila sakin, maging si Papa. Kasalanan lang naman ng asungot na yon. Hindi ako tinantanan.
Pinilit kong hindi siya iisipin pero pakshit. Ang hirap. Pinilit kong mainis pero langya. Kinikilig pa ako. Asaaar!
Naistorbo ang pag-iisip ko nang marinig ko ang malakas na tawanan nila sa labas. Nang sumilip ako, naglalaro sila ng volleyball at wala ang asungot. Ayos!
Nagpalit na ako ng swimsuit ko at naglagay ng sunblock bago sila sinamahan. Nang makita nila ako, umalis si Marco.
Ano bang problema niya? Panay na ang iwas niya sakin ah.
Naglakad na ako palapit sa kanila. Pangangantyaw ang sinalubong nila sakin na inikutan ko na lang ng mata. Si Julian kinanta pa ang ilang lyrics ng kanta. Nakisali pa si Cassie. Bagay nga talaga sila.
Hindi ko na lang sila kinibo. Kinuha ko na lang ang bola sa kanila at pumwesto sa kabilang court. Huminga ako ng malalim bago tinira ang bola.
Pumasok naman yon sa court nila at sinalo ni Julian ng malakas na tira na natakot akong i-receive. Ang lakas e. Baka dumugo pa ilong kapag natamaan ako.
Tinakbo ko ang kinaroroonan ng bola nang makita kong wala na yon.
"Pick someone your own size, bro."
Ang asungot. Hawak ang bola at tinira papunta kina Julian at Cassie. Nang mapansin namin ni Cassie na sila na lang ang naglalaro, umalis na kami at napagpasyahang mag-chismisan na lang sa dalampasigan.
"Nakakakilig si Pat kagabi ah," umpisa niya.
"Hindi mo talaga ako titigilan e no," sagot ko.
"E bakit? Hindi ka ba kinilig?" asar niya. "Yung totoo, bespren?"
"Hindi nga," maagap kong sagot.
Pinanliitan niya ako ng mata. "Weh? So hindi ka nagselos nung si Clarisse ang kiniss niya at hindi ikaw?"Nagselos, isip ko.
"Hindi," sagot ko.
"So okay lang sayo kung iba ng babae ang pagtuunan niya ng pansin?" tanong ulit niya.
"I will not stop him. Sino ba ako para pigilan siya."
"Pero kung may choice ka, pipigilan mo ba siya o hindi?" usisa naman niya.
"Hindi nga! Ang kulit mo e! Ano bang gusto mong sabihin ko?" naiinis ko nang sabi.
"Na gusto mo siya."
"Okay, fine. Oo gusto ko na siya. Masaya ka na?"Tumango siya at ngumisi. "Oo, bespren. Pero tingin ko, mas masaya ang nasa likuran mo."
Ngumuso siya kaya lumingon ako. Natumba ako sa pagkakaupo nang makita ko siyang nakangisi sakin.
"Thanks, Cassie," pasalamat niya.
Tumayo na si Cassie at naglakad na palayo kasama si Julian. Hinarap na ulit ako ng asungot.
"Walang bawian. Gusto mo rin ako ah. Sinabi mo yan," kantyaw niya sakin.
Hindi ko siya kinausap. Ngumiwi lang ako at inirapan siya.
"Paano ba yan, Labs," bulong niya, "akin ka na talaga."
Tinulak ko siya. "Umayos ka nga! Hindi pa ako pumapayag no!"
"At least alam kong gusto mo na rin ako," nakangiting sabi niya.Yung ngiti niya yung parang sa bata na sobeang saya sa ginawa. Actually mukha nga siyang baliw e.
Lumingon ako sa kanya. "Wag kang assuming. Hindi porke gusto kita, may chance ka na."
"At least gusto mo ako."
"Binubully mo naman ako."
"Labs naman kita."
"Asar pa rin ako sayo."
"Akin ka na."
"Akala mo lang."
"Sumbong kita sa papa mo e," biro niya.Sinuntok ko siya ng mahina sa braso. Nagkunwari pa siyang nasaktan. Akala niya eepekto sakin. Sinuntok ko ulit siya ng malakas naman. Tumawa na lang siya at hinalikan ako sa noo.
"Maswerte ka, Labs kita," sabi pa niya.
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Teen Fiction"Magtaguan tayo. Taguan ng feelings. Ang unang bumigay, TALO." This is a Filipino love story of two teens who are forced to take the challenge of playing hide and seek their friends initiated until one gives up and decides to lose.