Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Clarisse. Alam ko mortal enemy ko siya at kinaririndihan ko siya, pero at that moment, naramdaman ko ang sakit niya.
I do not know the feeling pero nalungkot pa rin ako para sa kanya. Tama naman ang sinabi niya. Nagmahal lang siya. Sobra nga lang. Nilingon ko si Cassie. Katulad ko, nakatingin rin siya sa malayo at nag-iisip.
Somehow she and Clarisse are the same. Sobra kung magmahal. Kaya nga ako nag-aalala ng magkalapit sila ni Julian e. Julian has been her ultimate crush since Grade 7. Panay ang tanong niya noon sakin dahil nga alam niyang kasama ko sila sa iisang bahay.
I sighed. Maya-maya naramdaman ko na lang na may tumabi sakin. Si Francis. Binigyan ko siya ng malungkot na ngiti.
"Hi," bati niya.
"Hello," balik ko.
"Galit ka ba?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"
"Yung ginawa ko kanina sa Arts class," bulong niya."Wala naman akong karapatang magalit e. Choice mo yon e. Who am I to judge you?"
Tumawa siya na may halong dismaya. "I should've known. I've seen the way he looks at you. At kahit asar na asar ka sa kanya, hindi mo pa rin masasabing kaya mong wala siya sa tabi mo."Shit. Alam niya.
"I know he's glaring at me right now, but I don't care. Sabi mo nga, choice ko naman to e," saad niya.
"Sorry," mahina kong sabi.Hindi na siya nakapagsalita dahil hinila ng asungot ang kamay ko. Kami na daw ang susunod na sasayaw. Ay oo nga pala. PE namin. Rhythmic Arts ang focus ng syllabus namin kaya panay sayaw kami. Tango kami ngayon.
Giniya na ako ng asungot sa stage at hinapit ang bewang ko palapit sa kanya. Inangat niya ang kamay ko at dinugtong sa kanya. Pinatong ko ang kanang kamay ko sa kanang balikat niya.
"Akala ko sumuko na si Alcantara," sambit niya.
"Hindi naman ibig sabihin noon, hindi na kami pwedeng mag-usap," sagot ko.
Tumikhim siya. "I'm worried. Baka umasa ang tao."
"Ang sabihin mo, worried ka kasi baka maagaw niya ako sayo," sabi ko na nakangisi.
"I don't share. That's for sure," matigas niyang sabi.Naputol saglit ang pag-uusap namin nag-iba na ng figure ang sayaw namin. Nang magkaharap na ulit kami nagsalita siya.
"Umayos ka, Patrick. Ayokong sinasakal ako," paalala ko.
Ngumisi siya. "Tinawagan mo ako sa pangalan ko."
"Oo. Madalang lang yan kaya umayos ka."
"Gusto mo naman ako diba?" biglang tanong niya na may bahid ng pag-aalala.Naputol ulit ang pag-uusap namin para sa next figure. Nang magkaharap na kami, hindi ako nagsalita. Ngumisi lang ako. Ngumuso siya na tila ba naiinip na.
"Palangga taka."
Tumigil siya bigla. Napatigil din tuloy ako. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya. Tinawag na kami ng prof namin para ituloy ang sayaw pero ayaw pa rin niyang gumalaw.
"Ano ulit ang sinabi mo?" usisa niya.
"Narinig mo na. Itatanong mo pa. Ang sabi ko, palangga taka."
"Mahal mo ako?"Tumango ako. Binigyan niya ako ng maikling halik sa labi bago tinuloy ang pagsayaw namin. Lumingon ako dahil baka nakita kami ng prof namin, pero busy siya sa ibang pares na kasama naming sumasayaw. Mabuti naman.
〰💮END💮〰
![](https://img.wattpad.com/cover/107236150-288-k593406.jpg)
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Teen Fiction"Magtaguan tayo. Taguan ng feelings. Ang unang bumigay, TALO." This is a Filipino love story of two teens who are forced to take the challenge of playing hide and seek their friends initiated until one gives up and decides to lose.