Natapos rin ang one week ng panay pagpapakilala sa harap. Wala, e. Bagong chapter ng pag-aaral ang Grade 11.
New faces. Kung may matitira man na kilala mo, iilan lang. Maswerte naman ako dahil kahit papaano ay may natira.
'Yon nga lang ang asungot ang isa. Ay, pati pa pala ang ex niya na mortal enemy ko. Pero 'di bale. Andyan naman si Cassie.
Dumiretso na kami sa canteen para mag-recess. Doon na namin hinintay sina Julian at Marco.
Si Cassie hindi mapakali. Iniisip at kinikilig pa rin sa sinabi sa kanya ni Julian. Hayy, pag-ibig. Tunay nga atang nakakabaliw.
Maya-maya dumating na sina Julian at Marco. Tinabihan ako ni Marco. Tinabihan naman ni Julian si Cassie.
"Kumain ka na ba, JC?" tanong sa'kin ni Marco.
"Hindi pa. Hinintay na namin kayo para sabay-sabay na," sagot ko.
Nginitian niya ako. "Ako na bibili ng food mo."
Bago ko pa siya mapigilan nakatayo na siya at papunta na sa tindahan. Napasulyap ako sa bwisit sa harap ko na masama ang tingin sa'kin.
Ano na naman ang ginawa ko? Tinignan ko rin siya ng masama.
Naputol ang masamang pagtitinginan namin nang umentrada ang boses ng long-time enemy ko.
"Andyan ka lang pala, baby," malambing sabi ni Clarisse at umupo na sa tabi ng bwisit.
Umirap lang ako at hinanap na lang si Marco na pabalik na at nakangiti sa'kin. Umupo na ulit siya sa tabi ko at binigay sa'kin ang food ko.
"Ang sweet, o, baby. Hindi mo ba nami-miss nu'ng ganyan ka rin ka-sweet sa'kin?" usisa ni Clarisse.
Nasamid tuloy ako sa sinabi niya tapos ay tumawa. Silang lahat nakakunot na tumingin sa'kin.
"Natawa lang ako sa sinabi ni Clarisse. Hindi ko kasi alam na may sweet side pala ang asungot," paliwanag ko.
Nagsitawanan sila maliban sa dalawang mag-ex na nasa harapan ko.
"Hinding-hindi siya magiging sweet sa'yo. Tignan mo nga! Kung kumain ka parang hindi ka babae!" bulalas niya.
"Sorry, ah. Kahit ano kasing lakas ko kumain sexy pa rin ako, e. So hindi ko kailangang magdiet kagaya mo," panunuya ko.
Tumawa si Cassie sa tabi ko. Inirapan siya ni Clarisse. Tinaasan naman niya ito ng kilay. 'Yan ang bespren ko!
Binalik sa'kin ni Clarisse ang masamang tingin niya.
"Kahit gaano ka pa ka-sexy, hinding-hindi ka papatulan ni Pat!" sigaw niya.
Pinagtinginan siya ng mga ibang students na kumakain.
"Sa'yong-sa'yo na siya," sagot ko.
Nang wala nang masagot, tumayo na siya sa pagkakaupo at padabog na naglakad palayo.
Sinulyapan ko ang asungot na masama pa rin ang tingin sa'kin. Pinanlisikan ko siya ng mata bago tumingin sa iba.
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Teen Fiction"Magtaguan tayo. Taguan ng feelings. Ang unang bumigay, TALO." This is a Filipino love story of two teens who are forced to take the challenge of playing hide and seek their friends initiated until one gives up and decides to lose.