"Next! Francis Alcantara!" tawag ng prof namin.
Oo. Kakabalik pa lang namin sa school, nagtrabaho na agad kami. Galing lang diba?
Ipe-present namin ang mga outputs namin sa harapan at magse-share ng kaunti kung ano yon at bakit yon ang napili naming highlight.
Pagkaakyat ni Francis sa platform, sinulyapan niya ako at nginitian. Nagtilian ang mga classmates namin. Gusto ko sanang lingunin ang asungot para makita ang reaksyon niya kaso nahiya daw ako.
"The highlight of my Christmas and New Year is the person I'm looking at right now," aniya na nakangisi pa rin.
Siniko ako bigla ni Cassie. Nang lingunin ko siya, nakanguso siya sa asungot. Napilitan tuloy akong balingan siya. Tahimik lang siya. Nakapatong ang mga kamay niya sa taas ng lamesa niya at nakikinig lang kay Francis.
Humarap na ulit ako kay Francis na nakatitig pa rin sakin. Naiilang man ako, pinakinggan ko na rin siya.
"Alam ko hindi tayo magkasama for the whole vacation, pero kahit ganon ikaw naman ang laman ng utak at puso ko. Walang araw na hindi kita inisip. Walang araw na hindi ako kinilig sa tuwing i-imagine ko ang maganda mong mukha.
Ikaw ang highlight ng vacation ko dahil buong vacation ko, wala akong ibang inisip kung paano kita liligawan kapag may klase na ulit. Kaya, JC," tumigil siya at kinindatan ako, "pwede na ba kitang ligawan?"
Nagtilian na naman ulit ang mga kaklase ko. O Lupa, kainin mo na lang ako. Lahat sila nakalingon sakin, maging ang asungot. Matalim ang tingin na ipinukol niya sakin. Right. Hindi ko pa pala nililinaw ang status namin. Wala pa kaming label.
Ramdam ko ang bigat ng titig niya sakin at ni Francis kaya hirap na hirap akong sumagot. Binubulungan na ako ni Cassie na sumagot na pero kabado ako.
Kahit alam kong nilalandi lang ako ni Francis, ramdam ko ang sinseridad niya sakin, lalo na nang yayain niya akong mag-bowling. Kahit alam ko ring panay ang pang-aasar sakin ng asungot, ramdam ko ang sinseridad niya sa pambubully sakin. De joke lang. Hahaha. Ramdam ko ang...
Lumunok ako at tinignan ng taos-puso si Francis. Magsasalita na sana ako nang pigilan niya ako.
"It's okay. I'm just hoping, but it looks like someone else has already taken your heart."
Nakaramdam ako ng guilt habang sinabi niya yon. Damn, I felt his pain. Pero ano bang magagawa ko? I like him, pero...
"You're next! Clarisse Monteverde," ani ng prof namin.
Tahimik lang na umakyat si Clarisse sa harapan. Sketch ang sa kanya...sketch ng mukha niya. Ano ba yan? Napaka-narcissistic naman talaga niya e.
Pumostura na siya at nag-umpisa ng magsalita. Iba ang tono niya. Seryoso at malungkot.
"You might think napaka-vain ko para i-drawing ko ang mukha ko as the highlight of my vacation, but no. I chose myself as my highlight because of what I've learned during that time.
Ika nga ni Justin Bieber, Love Yourself. Huwag kang puro habol nang habol. Iniwan ka na nga, lalapit ka pa. Wala namang masama kung magmahal ka. Basta magtitira ka pa rin para sa sarili mo.
I thought I should change myself for the better. I should be stronger and should love myself more. Mahirap at masakit kasi ang sumuong sa pag-ibig na one-sided. There would be a time na gagawa ka ng mga bagay na malayung-malayo sa pagkatao mo.
Then you would just realized, 'Did I just do that? Did I just make a fool of myself?' Again, my highlight of my vacation was changing for the better. That's all. Thank you."
Tahimik pa rin ang lahat kahit pa tapos nang magsalita si Clarisse. Sinulyapan ko ang asungot. Tahimik pa rin siya, pero nakita kong nag-igting ang panga niya. He's affected. I sighed.
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Teen Fiction"Magtaguan tayo. Taguan ng feelings. Ang unang bumigay, TALO." This is a Filipino love story of two teens who are forced to take the challenge of playing hide and seek their friends initiated until one gives up and decides to lose.