3 • Dora

11 2 1
                                        

Alas dies na nang makarating kami sa mall. Nag-ayang mag-almusal si Marco, para na rin daw makakain ako.

Syempre inaway na naman ako ng bwisit. In the end, though, kumain na rin kami. Except him. Nakatutok siya sa cellphone niya.

Papunta na kami ng bookstore nakatingin pa rin siya sa cellphone niya. Nabangga tuloy siya. Humalakhak ako na kinainis niya.

"Hindi kasi tumitingin sa dinaraanan, e," sabi ko.

"Saan naman ako titingin? Sa'yong mukhang Dora?" balik niya.

"Sa daan, tanga!" bulalas ko.

"Tumitingin naman ako. Nakaharang ka lang kasi," aniya. "Dora ka nga. Ang bagal maglakad."

"Pwede ba? Ang ganda ko, ikukumpara mo lang ako kay Dora?"


Napalingon na sa'min sina Marco at Julian. Sabay silang nagkunot ng too at naglakad pabalik sa'min.

Hinila ako ni Marco palayo sa bwisit. Si Julian naman pinagsabihan ang bwisit. Tumawa ako sa loob-loob ko.

Nag-ikot-ikot na kami sa bookstore. Sumusunod lang ako kay Marco. Napapatigil lang kapag may nakikitang colorful na libro.

Ayokong kumuha ng notebook kahit pa pilitin ako ni Marco. Nakakahiya kasi, e. Kahit pa magbest friends ang mga fathers namin, ayokong maging abusado. Pinatira na nga nila ako sa kanila, e.

Nakailang ikot na rin kami nang magdesisyon si Marco na magbayad na. Mabuti hindi siya makulit nang sinabi kong ayokong magpabili sa kanya.

Naglakad kami papunta sa kinatatayuan nina Julian at ng bwisit nang matapos nang magbayad si Marco.

Napasulyap ako sa bwisit at nagulat sa maluwang niyang ngiti. May inabot siya sa'king naka-plastic bag ng National Book Store. Nang silipin ko 'yon, may lamang notebook at ballpens.

"Ano 'to? Apology mo ba 'to sa panay mong pang-aasar sa'kin?" tanong ko sa kanya na nakangisi pa rin.

"'Wag kang assuming. Binili ko yan para lalo kang maasar," natatawang sabi niya.


Nilabas ko ang mga laman ng plastic bag at tumambad sa'kin ang notebook at ballpens na may mukha lahat ni Dora. Tumikhim ako.


"Ginalingan mo rin, e, 'no. May araw ka rin!" banta ko sa kanya.


Tinawanan niya lang ako ng malakas bago naglakad palayo. Sinulyapan ko sina Julian at Marco. Lalo akong nainis kasi pati sila nakangisi.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon