Patapos na ang first sem na. Ang bilis lang e. Kailan lang nang magpakilala kami sa harapan. Ngayon kilala na namin ang bawat isa. Inaayawan na nga namin e. Mabuti at malapit na ang Christmas vacation.
Si Cassie, ayun, patuloy pa rin sa pakikipagharutan kay Julian. Naririndi na nga ako minsan sa kanila e. Sobrang landi. Nagtataka na nga ako bakit si Cassie pa rin ang nilalandi niya e. Hmm.
Si Clarisse naman, bwisit na bwisit pa rin sakin. Lalo na nung hamunin ko ang bwisit niyang ex. Bakit kaya adik na adik siya doon? Nakakaasar nga siya e.
Si Marco, ayun. Gentleman pa rin. Parang tama nga ata ang sinabi ni Julian e. Sa tuwing babalakan kong makipagharutan sa asungot niyang kapatid, umeepal siya. Nahihirapan tuloy akong ipanalo ang goal ko.
Si Francis, as always. Landi ng landi sakin. Sinabi ko na ngang may kaharutan na akong iba, kiber lang siya.
At ang kaharutan ko, ang bwisit na asungot, ayun. Ayaw magpatalo. Kapag hinarot, haharutin ako lalo. Mabuti at matibay ako. Hindi ako natitibag.
"Let's have a new seating arrangement. Since next year will be your last semester with me, I'll allow you to choose your own seatmates," deklara ng prof namin.
Dali-dali ang hilaan ng mga kaklase ko sa mga kaibigan nila. Agad kong hinila si Cassie at naghanap ng mauupuan. Nang makahanap kami umupo na si Cassie.
Uupo na sana ako nang may dalawang kamay na humablot sa magkabilang braso ko. Paglingon ko si Francis at ang bwisit. Umismid ako sa asar.
Nakita kong hinablot naman ni Clarisse ang braso ng bwisit at inayang tumabi sa kanya, pero ayaw niya akong bitawan. Ganon din si Francis.
"Ako ang nauna," matigas na sabi ni Francis sa asungot.
"Pero ako ang Labs ng buhay niya," nakangising banggit ng asungot.Nagtilian ang klase maging si Cassie. May sumigaw pa ng "showbiz" at "kz tandingan na ba this?" Napailing ako nang wala sa oras. Sino nga bang pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako? E pero wala naman akong mahal sa kanila. At wala rin sa kanila ang mahal ako.
"Sakin ka na tumabi," naiiritang sabi ni Clarisse sa asungot pero hindi ito nagpatianod.
Inisip ko ang goal ko. Dapat akong manalo. Dapat. Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Francis at nilapitan ang asungot.
"Okay lang, Labs. Ikaw lang naman ang nasa puso ko talaga e."
Nagtilian ulit ang mga kaklase ko. Well I have to win. Nginitian ko siya at kinindatan bago tumabi kay Francis.
Si Francis parang hindi natibag sa sinabi ko. Patuloy lang siya sa paglandi sakin. Hinayaan ko siya. Malay ko ba baka nagseselos na ang asungot. Tumawa ako sa isip ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/107236150-288-k593406.jpg)
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Teen Fiction"Magtaguan tayo. Taguan ng feelings. Ang unang bumigay, TALO." This is a Filipino love story of two teens who are forced to take the challenge of playing hide and seek their friends initiated until one gives up and decides to lose.