Alas onse na ng umaga ng magising ako. Ramdam ko ang bigat ng ulo ko. Hindi naman talaga ako tomador ng alak. Kinailangan ko lang talaga kagabi.
Bumaba na ako at naghanap ng gamot sa kusina pero wala akong makita. Hinanap ko sila pero wala sila.
Lumabas ako pero wala rin sila. Saan kaya nagpunta ang mga ngayon? Napadapo ang kamay ko sa likod ng ulo ko sa sobrang sakit.
"Kung hindi mo kaya dapat hindi mo inumpisahan," malamig niyang sabi.
Kahit hindi ko lingunin alam ko kanino boses yon. Sa asungot. Kahit masakit ang ulo ko hinarap ko. Wait. Ano bang tinutukoy niya?
Inabutan niya ako ng gamot. Kinuha ko naman yon. Masakit na kasi talaga ang ulo ko e. Inisip ko ang tanong niya. Ang pag-iinom ba o ang paghamon ko sa kanya?
"Kung gusto mo rin naman palang manalo hindi mo dapat binigyan ng dahilan para sumuko," sagot ko nang mapagtanto ko na ang tinutukoy niya.
Inirapan ko siya bago nagdesisyong bumalik na sa loob. Saka ko napansin na may nawawala. Nang lingunin ko siya nakasunod pala siya sakin.
"Saan ang baby mo pala?" tanong ko.
Ngumuso siya sa dagat. "Kumain ka na sa loob."Papasok na ako sa loob nang maalala ko ang mga nangyari kagabi. Ayaw niyang bawiin ang parusa dahil gusto niya pa akong paglaruan. Pagkatapos ay hinalikan ko siya.
Shit. Lasing na talaga ako kagabi. Pero kahit na. Gusto niya lang makipaglaro. Bibigyan ko siya ng laro. This time magiging matigas ako hanggang sa siya na ang sumuko at umayaw.
Nilapitan ko siya. "Mamaya na. Maglaro muna tayo."
Kumunot ang noo niya. "No. You eat."
"Mas masarap ang kiss mo sa pagkain, Labs," bulong ko sa kanya.
Nag-igting ang panga niya. "Stop flirting with me."
"Titigil lang ako kapag binawi mo na ang parusa ko," matigas kong sabi.
"NO."
"Then magtiis ka. Besides I thought nagustuhan mo ang paghalik ko sayo kagabi," panunuya ko. "Ayaw mo ba ng part two?"Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at nginitian siya ng nakakaloko.
"Pinalampas ko ang kagabi. Pero ngayon kapag bumigay ka ulit, talo ka na," bulong ko sa labi niya.
Naistorbo ang paglalandi ko ng dumating si Clarisse na naka-one piece swimsuit. Agad akong lumayo sa asungot. Tinaasan niya ako ng kilay nang marating niya ang kinatatayuan namin.
"Wala pa ba sila?" tanong niya sa asungot.
"Darating na niyan sila," sagot niyang hindi inaalis ang tingin sakin.
"Matutunaw ako, Labs," sabi ko sa kanya, binabalik ang mga sinabi niya sakin noon.
"Pwede ba! Huwag kang umasta na kayo porke kiniss ka niya kagabi!" bulalas sakin ni Clarisse.
"Huwag ka ring umasta na gusto ka niya porke hinalikan ka niya," balik ko.Nagkuyom ang isang kamay niya. "Ako ang nauna!"
"Ako ang ayaw bitawan," asar ko.
"Ako ang pinili niyang halikan!" sigaw niya.
"Pero ako ang ayaw niyang pakawalan," balik ko.Sasagot pa sana siya nang bulyawin kami ng asungot. Pinapasok niya si Clarisse sa loob at pinagbihis. Ako naman pinapasok niya para kumain. Tumawa ako ng nakakaloko bago pumasok.
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Novela Juvenil"Magtaguan tayo. Taguan ng feelings. Ang unang bumigay, TALO." This is a Filipino love story of two teens who are forced to take the challenge of playing hide and seek their friends initiated until one gives up and decides to lose.